Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Beautéderm Home at Marian Rivera-Dantes, solid na solid pa rin!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ENGRANDENG pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home sa pag-marka nito ng isang bagong milestone sa pag-commemorate ng renewal ni Marian Rivera-Dantes bilang opisyal na brand ambassador nito for another 30 months.

Ang unang pagsasanib puwersa sa pagitan ng Beautéderm Home at ni Marian ay ginanap noong 2018 nang inilunsad ang brand na Reverie – isang exquisite line home scents na kinabibilangan ng soy candles at air purifiers at pati na rin ng mga room at linen sprays. Ang Reverie ay play of words sa pagitan ng pangalan ni Rhea Anicoche-Tan o Rei – na Presidente at CEO ng Beautéderm; ng pangalan ni Marian noong siya ay dalaga pa; at ang konsepto ng gustong ipadama ng brand sa users nito – ang ma-relaks habang tinatamasa ang kakaiba at matatamis na mga amoy ng pag-ibig na dulot ng Beautéderm Home.

Level-up ang Beautéderm Home ngayong taon sa pag-introduce nito sa mga brand-new at essential na mga produkto sa ilalim ng Reverie line na di lamang magpapabango sa bawat tahanan ngunit poprotektahan din ang mga ito mula sa mga germs, bacteria, at viruses.

Ang una sa mga bagong produkto ay ang Pour Tout Faire – na isang 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects sapagkat formulated ito para ma-eliminate ang mga unpleasant odors; upang instant na ma-disinfect ang mga surfaces dahil pinapatay nito ang mga bacteria at viruses upon contact; at upang ma-protektahan ang bawat miyembro ng pamilya. May dalawang variants ito – ang Fresh & Vibrant at Clean & Calm. Ideal ang Pour Tout Faire sa pag-sanitize ng hangin; para sa mga linens at lahat ng surfaces; at maaari din itong i-spray sa balat ng tao at sa mga damit at 100% na ligtas din ito para sa mga bata at pets. At bilang special treat sa partnership renewal ng Beautéderm Home at ni Marian, maglalabas ang Reverie ng special limited-edition soy candle box set kung saan may tatlong bagong scents na kinabibilangan ng Inviting Cherimoya, Irresistible Vanilla, at Tempting Pear and Melon.

“Maligaya po ako sapagkat tumagal ang relationship ko sa Beautéderm Home at excited po ako as I look forward to many more years with this brand na talaga namang malapit sa puso ko,” sabi ni Marian. “We have worked so hard in developing these new products at very proud ako na ipakilala ang mga ito sa lahat.”

Ayon naman kay Rhea Anicoche-Tan, malalim na ang samahan nila ni Marian at talagang pinapahalagahan niya ito. “Marian is an extremely valued member of the Beautéderm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador of Beautéderm Home for another 30 months and hopefully more years in the future,” sabi ni Rhea.

“Para na kaming magkapatid ni Marian. Baby sister ko siya as she is the sweetest and the kindest, at isa siya sa pinaka-propesyonal na ambassadors namin. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership with Beautéderm Home. But more than that, grateful po ako sa sincere and loyal friendship niya,” aniya pa.

Lasapin ang exhilarating aromas ng pinaka-bagong mga produkto ng Reverie at protektahan ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay at gawing nang top choice ang Beautéderm Home upang mapabango ang iyong tahanan sa matamis na amoy ng tunay na pagmamahal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …