Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing pawang mga mapanganib na personalidad sa pinaigting pang kampanya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Mayo.

Sa ulat na ipinadala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kay P/BGen. Matthew Baccay, PRO3 PNP regional director, nakatala ang anim na arestadong suspek bilang most wanted persons sa Bulacan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Lorenz Tacatani, 30 anyos, inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder (RPC Art.248); Mark Alexis Caguinguin, 20 anyos, para sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165; Eleazar Vicente, 33 anyos, para sa kasong Attempted Murder; Michael Angelo Matias, 20 anyos, para sa kasong Murder; Lawrence Avendano, 24 anyos, may kasong Rape (RPC Art.266; at Sammy Dela Torre, 18 anyos, sa kasong Rape kaugnay ng RA 7610.

Napag-alaman, ang mga akusado ay nagtago matapos sampahan ng mga kaso kaya itinala bilang mapanganib na most wanted persons (MWPs) ngunit hindi sila tinantanan ng mga tauhan ng Bulacan police sa pagmamatyag hanggang isa-isang napagdadakip. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …