Sunday , December 22 2024
PIE Pinoy Interactive Entertainment PoB UZI

Pie Channel saya at papremyo ang hatid sa TV at online 

ni Maricris Valdez Nicasio

EXCITING ang bagong handog na talent varity show ng PIE o Pinoy Interactive Entertainment para sa kakaibang entertainment experience na hatid ng tradigital channel na nagsimula na kahapon, Mayo 23, 2022. 

Napapanood ang PIE sa BEAM TV, Sky Cable Channel 21, PIE Website, at PIE YouTube Channel at magiging live ito sa GLife ng GCash app simula Mayo 28.

Samo’tsaring saya at papremyong aabot sa P10-M ang inihanda ng PIE para sa sambahayang Filipino sa unang tatlong buwan ng pag-ere nito.

Salubungin ang araw sa mga nakai-inspire na kuwento at positibong enerhiya tuwing ika-7 ng umaga sa PIESILOG kasama ang paboritong “Mayora” Frances Cabatuando ng Home Buddies Facebook community.

Kasama rin sina “Kikay” Sela Guia, “Kwelang Kuya ng Lahat” Tristan Ramirez, “Bibong Artist” Raco Ruiz, “Good Boy Charmer” Jae Miranda, at “VJ na Laging May Say” Eryka Lucas

At habang nagla-lunch break, pasasayahin ka naman ng nakatutuwang  viral at sikat na content na dala ng BARANGAY PIE.  Makikita sa barangay na ito ang iba’t ibang personalidad ng ordinaryong Pinoy na tiyak makare-relate ang mga manonood.

Kilalanin “Ang Tito Mong Mayor” Mayor TV, “Ang Muse ng Barangay” Abby Trinidad, “Barangay Talak-Tokerist” Ruth Paga, “Sawsawera ng Barangay” Sunshine Teodoro, “Barangay Queen Sirena” Inah Evans, “Barangay Sexy-Tary” Patsy Reyes, at “Sizt-mosa ng Barangay” Coco Cordero. 

At pagdating ng 4:00 p.m., bibigyan ka naman ng inspirasyon ng “PIEGALINGAN,” ang tambayan ng mga galing ang panlaban.

Ang talent variety show na ito ay pangungunahan nina “G sa Lahat ng Gimik” at “Try-It” actor/streamer Ralph Malibunas, “Reynang All-Out ang Support” beauty queen/actress Sam Bernardo, at “Bidabro” at “Promotor ng Trip” actor/host Eris Aragoza.

Saan ka man naroroon sa Pilipinas, pwede ka ring maging PIENALO gamit ang iyong mobile phone.  Nag-level-up na sa PIE ang classic game show na “Pera o Bayong” na mamimigay ng mga premyo bawat oras sa mga manonood. Sa “Palong Follow,” magtutulungan naman ang PIE viewers para hanapin ang susunod na digital content creator ng bansa. 

Makakasama sa PIENALO ang “Goal-Oriented Achiever” Eian Rances, “Ang Raketerang Breadwinner ng Visayas” Nicki Morena, “Happy-Go-Lucky Bunso ng TropPIE” Kevin Montillano, at well-loved chef at YouTube sensation Ninong Ry

Kung isa kang “Marites,” bagay sa iyo ang PIE Night Long.  Maki-join sa mga modernong kuwentong Pinoy na pwedeng mag-share ng iyong feelings. Sa “UZI,” ang unang interactive na teleserye sa bansa, may say din ang viewers sa magiging takbo ng bawat kuwento. 

Handa namang makinig sa kuwento ng buhay mo sina  “Fun-Loving and Woke Gen Z” Aaron Maniego, “Hopeless Romantic Love Guru” Karen Bordador, at ang “Sweet and Conservative Musician” Renee Dominique.

Inilunsad din ng channel ang opisyal na kanta at station ID nito tampok ang mga artist na sina KD Estrada, Alexa Ilacad, P-POP Girl Group BINI, Renee Dominique, at John Roa

Sa PIE, ang mga viewer ay bahagi ng isang komunidad na gumaganap ng aktibong papel sa pagkukuwento, games, at talk shows. Maging sa TV, laptop, desktop o mobile device, ang PIE ay madaling ma-access ng mga Pinoy na gustong sumubok ng bagong paraan para manood at maki-interact sa mga palabas,” ani KROMA Entertainment Chief Executive Officer Ian Monsod

Ginawa naming interactive ang aming mga programa para makalahok ang mga manonood sa pamamagitan ng TV at mga mobile device. Maghanda para sa 21 oras ng masasayang palabas araw-araw sa bagong entertainment channel na ito,” sambit naman ni Cory VidanesABS-CBN Chief Operating Officer of Broadcast. 

Ang PIE ay hatid ng BEAM, 917Ventures, KROMA, at ABS-CBN.  Sundan ang PIE (@iamPIEofficial) sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok para sa mga update.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …