Sunday , December 22 2024
Coco Martin Susan Roces

Coco maluha-luhang inalala mga paalala ni ‘lola’ Susan — Hindi importante ang pag-i-Ingles, hindi ‘yan batayan para respetuhin ka  

𝙎𝙃𝙊𝙒𝘽𝙄𝙕 𝙆𝙊𝙉𝙀𝙆
𝙣𝙞 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙘𝙧𝙞𝙨 𝙑𝙖𝙡𝙙𝙚𝙯 𝙉𝙞𝙘𝙖𝙨𝙞𝙤

MADAMDAMIN ang mga binitiwang salita ni Coco Martin patungkol sa yumaong Queen of Philippine movies na si Susan Roces. Hindi napigilan ni Coco ang maluha habang iniisa-isa ang magagandang pinagsamahan nila ni Manang Inday.

Halos pitong taon ding nagsama sina Coco at Susan sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Sa pamamagitan ng Facebook live ni  Sen. Grace Poe-Llamanzares, nag-iisang anak nina Susan at Fernando Poe, Jr., narinig ang mga pahayag ni Coco at inaming  hanggang ngayon ay hindi pa rin  siya makapaniwala sa nangyari.

Anang Kapamilya Teleserye King, “Honestly, hindi ko po talaga alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Talagang shock ang nararamdaman ko kasi hindi ako makapaniwala na mangyayari ito dahil alalang-alala ko ang pagkikita namin ni Tita Sue na ang lakas-lakas niya, ang saya-saya niya.

“Siya ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon para ipagpatuloy namin ang ‘Probinsyano’ dahil lagi niyang sinasabi na nakapagbibigay kami ng ligaya at inspirasyon sa bawat Filipino.

“Ang akala ko, ang isa sa pinakamasakit na mararamdaman ko sa industriyang ito ay noong namatay si Tito Eddie (Garcia),” malungkot na pagbabahagi ni Coco.

“Para kaming napilayan kasi nga lolo namin ‘yon. Parang hindi namin akalain na habang ongoing ‘Ang Probinsyano’ kahit hindi na namin siya kasama noong mga oras na ‘yon ay masakit para sa amin.

“Kasi sobra namin siyang inalagaan, sobra naming bina-value kung ano ang nai-contribute niya sa industriya. And then ngayon, hindi ko akalain na ang isa sa mga pinaka-espesyal at malapit na malapit sa buhay ko lagpas sa trabahong ito ay mangyayari ang bagay na ito.”

Sinabi pa ni Coco na hindi katrabaho ang tingin niya kay Ms Susan.  “Kasi si Tita Susan hindi ko siya katrabaho, hindi katrabaho lang ang tingin ko sa kanya. Malalim ang pagtingin, pagmamahalan at respeto namin sa bawat isa.

“Kaya lahat po ng mga sinasabi niya ay dinidibdib namin. Kasi para po sa amin na mga katrabaho niya at ako bilang apo niya sa industriya sa lahat ng mga aktor na kasama ko, directors, sa lahat ng crew and staff ‘yung words of wisdom na sinasabi niya po sa amin ay totoong tumatatak sa puso at isip naming lahat.

“Dahil napakapalad po namin na nakatrabaho po namin siya. Kasi alam niya lahat eh, pinagdaanan niya na yan,” sambit pa ng aktor. 

Unang nakagaanan ng loob ni Coco si Ms Susan sa Walang HangganDito sila unang nagsama noong 2012. “Noong nakatrabaho ko na po si Tita Susan sa ‘Walang Hanggan’ dahan-dahan pong naging komportable ang loob ko sa kanya.

“Kasi hindi po niya ipinaramdam sa amin na siya ang Queen of Philippine Movies, na siya ang asawa ng Hari ng Pelikulang Pilipino. Ang ipinaramdam niya po sa amin ay isang pamilya at lola po naming lahat.

Ibinahagi pa ni Coco na si Manang Inday ang nagturo sa kanya para maging magtiwala sa sarili.

“Kasi nakikita niya na hindi ako komportable bilang isang artista kasi sinasabi ko, kapag nakakakita na ako ng medyo sosyalan, kapag nakikita ko na medyo nag-i-Inglisan na para akong natsotsope.

“Kasi nga po alam naman ng lahat ‘yon na hindi ako marunong mag-Ingles. Kaya sabi sa akin ng aking lola, hindi importante ang pag-i-Ingles at hindi ‘yan ang magiging batayan para respetuhin ka ng tao. Ang importante ay marunong kang humarap sa tao na may dignidad.

“Ang importante ay totoo ang sinasabi mo at nasa puso mo. Ang mas mahirap ay hindi ka marunong mag-Tagalog at nasa Pilipinas ka, hindi ka magkakapera. At naniniwala po ako roon, kaya mula noon sobrang naging tight kami.”

At sa pagtatapos ni Coco ito ang sinabi niya kay Ms Susan, “‘La kung nasaan ka man po ngayon, gusto ko pong malaman na lahat kami na nandito ay sobra-sobrang mahal ka po namin at hinding-hindi ka po namin makalilimutan habambuhay. I love you.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …