MATABIL
ni John Fontanilla
WLANG balak gayahin ni Aljur Abrenica ang mga baguhang walang takot magbuyangyang ng kanilang hinaharap sa mga pelikulang ginawa.
Wala kasing dahilan para magpakita ng kanyang hinaharap si Aljur sa pelikula kaya no- no pa siyang mag-frontal.
Tsika ni Aljur, “Sa sarili ko lang ito ha, may napapanood akong sobrang sexy pero hindi naman kailangan. For the sake lang daw.
“May mga tao para roon. Ako, sa ngayon, hindi pa!”
Dagdag pa nito, “Wala pa naman akong ganoon. Wala naman akong restrictions diyan as long as the story demands it.
“Hindi naman sa hindi kaya. Hindi, eh. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko.
“It has to be one story na kailangang gawin ‘yun. Hindi ko isinasara ang possibility.
“Basta nakita ko sa script na, ‘Uy! Kailangang ipakita ko yung t*”* ko rito, gagawin ko,” paliwanag ng aktor.
Sa ngayon ay busy si Aljur sa shooting ng pelikulang Revelations kasama.sina Jelai Andres, Vin Abrenica, at Ana Jalandoni.