Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang

Benz nagtiyaga sa kamote para magka-abs

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAGKABUKINGAN ba ng mga sikreto nila ang mga artistang mapapanood sa June 10, 2022 sa Vivamax, ang Secrets na idinirehe ni Joey Reyes?

Aminado naman ang mga bidang sina Janelle Tee, Denise Esteban, Felix Roco, at Benz Sangalang, na ibang klase rin ng bonding na namagitan sa kanila para mas masakyan pa ang mga katauhang nagkita-kita sa ikot ng plot nito.

Ang alam ni Janelle, sikreto pala ni Benz ang pagkain ng camote all those times na nasa locked-in shoot sila. Hindi nila nakita  ito na kumain ng regular meal sa set.

Kaya tuloy nabuking namin na mayroon din namang cheat day ang binata. At kapag kumain naman pala ito ng regular meal eh, super heavy bilang bawi rin naman sa pagsasakripisyo niya to gain those abs.

Siyempre, masaya si Benz na this time, sa mga alaga ni Jojo Veloso ma lalaki siya naman ang nabigyan ng pagkakataon nina Boss Vic at Vincent del Rosario na mai-showcase sa Secrets.

As Christian, mabait ang character ko rito. Girlfriend ko si Janelle. At noong magbakasyon kami, nakilala namin si Felix. Nasa isang bakasyonan kami. At doon namin nakilala ang tunay na karakter ni Felix na umabuso sa amin. Pinaglaruan niya kamini Janelle,” kuwento ni Benz.

Gaya ng itinuturo ni Jojo sa lahat ng kanyang mga alaga, masinop ang mga ito pagdating sa pag-iipon ng anumang kinikita nila.

Para nga may nagagamit na siya sa mga shoot at lakad niya, Benz purchased a second hand Hyundai vehicle.

Sa trabaho, “No pressure naman po working with direk Joey. Masaya siya kasama at ka-bonding. Mabilis magtrabaho. Though, sa sarili ko, hindi ko maialis ‘yun bang, I could have done better sa ginawa ko kahit good take na ito. Parang ako ‘yung nakukulangan pa.”

Bida. Mabigat na responsibilidad.

“Gusto ko naman na magampanan lahat. May gagawin kami ni AJ Raval, wholesome rin ang role ko roon (Dibdiban). Pero sa ‘Itago sa Dilim’  with Kylie Verzosa ni direk Roman Perez, ako naman ang main villain. Mayroon uli, ‘Taya 2’  with him. Sa July naman ‘yun gagawin.”

Kahit nagpapa-sexy at nahuhubdan at nakikita na ang pagka-lalaki ni Benz sa screen, mukhang hindi pa mapasasagot ng alaga ni Mudrakels Jojo to do a BL project. Hindi pa niya kayang gumanap in a gay portrayal.

“Baka pangit ang kalabasan. At hindi ko pa kaya. We’ll see.”

Ang aktor na si Diether Ocampo pala ang peg at iniidolo ni Benz. At siyempre, dahil idolo, subaybay naman niya ang ilan sa pelikula at TV series na ginawa nito.

“Gusto ko ‘yung paraan ng pag-arte niya.”

Sa Secrets,  Benz shines as Viva’s newest and hottest stud. Na pambida na ang dating!

Hindi nila isisikreto na ang Secrets eh, matutunghayan na simula sa June 10, 2022.

Wala. Walang gugulantang sa ating mga sikreto ang cast sa mga buhay nila. Especially kay Benz.

Pero kapag nakatabi niyo ito at may umalingasaw na ‘di kanais-nais, ‘yun na ang secret niya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …