RATED R
ni Rommel Gonzales
MULING pinatunayan ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sila ang “king and queen” ng primetime, matapos makapagtala ng double-digit TV rating ang world premiere ng kanilang new sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa.
Base sa datos mula sa NUTAM People Ratings, malaki ang agwat ng Jose and Maria’s Bonggang Villa sa katapat nitong programa matapos makakuha ng 13.5 percent noong May 14.
Taos-puso ang pasasalamat ni Marian sa Facebook sa mainit na pagtanggap ng Kapuso viewers sa much-awaited TV project nila ng kanyang mister.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang fans na tinutukan ang pilot episode ng kanilang sitcom noong Sabado at umani rin ito ng maraming positive reviews sa Twitter Philippines.
Kaya mga Kangkungers, walang bibitaw sa good vibes na hatid nina Jose (Dingdong) at Maria (Marian) sa Sabado Star Power sa gabi, pagkatapos ng Pepito Manaloto.