PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
NAGPAABOT ng mensahe ng pagmamahal, pagdarasal, at mabilis na paggaling kay Kris Aquino ang maraming celebrities na nag-aalala sa kalagayan ng Queen of All Media matapos nitong mag-post ng video sa Instagram na inamin nitong “life threatening” na ang kanyang sakit.
Ayon sa komento ni Karen Davila sa IG post ni Kris, “KRIS, Iam praying for your healing and a miracle.”
“Get well soon! Praying for your fast and complete healing,” komento naman ni Cheska Garcia Kramer.
Maging ang sikat na impersonator ni Kris na si Krissy Achino ay nagkomento na, “Storming the heavens with our prayers for you, Ms. Kris! Speedy recovery & please get healthy soon. Love, love, love!”
Kabilang din sa celebrities na nagbigay ng mensahe at prayer emojis sina Derek Ramsay, Vina Morales, Bernadette Sembrano, Neri Miranda, at iba pa.
Sa kanyang IG post, inamin ni Kris sa caption na “life threatening” na ang kanyang sakit kaya kailangan na niya talagang magpagamot sa abroad. Ini-reveal din niya na tatlo na ang kompirmadong autoimmune conditions niya.
“Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.
“Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the (USA flag emoji) – meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.”
Sa ipinost niyang video, sinupalpal ni Kris ang mga nagpapakalat ng tsismis na nag-aagaw buhay na siya.
“Yung tsismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw buhay, masyado kayong advance. Para klaro ang lahat and dahil gusto niyong patayin na ako – well, I am not yet dead. I am going to fight to stay alive,” sabi ni Kris.
Nakiusap din si Kris sa caption na huwag na idamay sa bashing at pagpapakalat ng fake news ang mga anak niyang sina Josh at Bimby.
“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak niyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin. Hindi niyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish Kuya & Bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan.”