Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista
Heart Evangelista

Heart nagpakatotoo inaming nakipag-one night stand

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWA naman si Heart Evangelista.  Game na game kasi siya na inamin ang mga naging karanasan niya sa  one-night stand.

Napaamin ang aktres tungkol dito nang mapasabak siya sa Sagot O Lagot Challenge sa bago niyang YouTubevlog.

Isa  nga sa mga naitanong sa nasabing game ay kung nagkaroon na siya ng one-night stand affair.

Nagpakatotoo naman ang aktres at sinabing kino-consider niyang One Night Stand ang nangyari sa kanila ng dati niyang dyowa. Pero hindi na niya binanggit ang identity nito o kung sino ang tinutukoy niya.

“I guess it was considered a one-night stand. Naging kami eventually. Lahat ng naka-one-night stand ko nagiging kami,” ang walang keber na sabi ni Heart.

Diretsahan ding inamin ni Heart na may pagkakataong pinakikialaman at binabasa niya ang mga message sa cellphone ng dati niyang mga dyowa.

Bukod dito, nag-yes din siya sa question kung nakipag-date na siya sa lalaking 10 years ang tanda sa kanya. 

 “Pinakasalan ko pa nga, eh”sabi pa ni Heart na ang tinutukoy niya siyempre ay ang kanyang mister na si Chiz Escudero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …