MA at PA
ni Rommel Placente
SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang na ng maraming taon ang pagkakaibigan nila ni Regine Velasquez Olcasid pati na ng asawa nitong si Ogie Alcasid.
Ito’y sa kabila ng hindi sila madalas nagkikita at personal na nagkaka-bonding, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sabi ni Sharon, “Kasi ang bahay niya, parang kapag nagpunta ako at kapag nagpunta siya sa bahay ko parang excursion dahil sa traffic. Quezon City siya, ako Makati.
“Kami ni Regs, although ‘yun na nga, may kalayuan ‘yung mga bahay namin, hindi kami nawawalan ng communication.
“Kahit hindi every day or every week, kasi ‘pag nag-love ka ng tao tapos sinuklian ka tapos nakita mo lalo ‘yung pagkatao, lalong lumalalim. Lalo siyang napapamahal sa akin as times goes by,” sabi pa ni Sharon.