Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bongbong Marcos Andrew E

Andrew E, niregaluhan ba ng kotse ni BBM?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SINAGOT ni Andrew E. kung totoo ba ang tsika na niregaluhan daw siya ng kotse ni BBM o ng presumptive president na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Si Andrew, together with Toni Gonzaga ang nangungunang pambato ng BBM-Sara tandem sa nagdaang campaign rallies. Sinasabing marami sa malalaking big stars, na karamihan ay mga taga-ABS CBN, ang katapat lang daw halos sa kampanya ay sina Andrew at Toni. Si Andrew nga raw ang secret weapon ng BBM-Sara tandem sa malalaking campaign rallies nito.

Anyway, natiyempuhan namin ang panayam ni Anthony Taberna kay Andrew sa Tune In Kay Tunying sa YouTube channel nito at dito’y nilinaw ng mahusay na rapper/actor ang ukol sa balitang regalo umano sa kanya ni BBM.

Ayon kay Andrew, “Ang alam kong iniregalo niya po sa akin ay embrace roon sa stage, iyon po ang iniregalo niya sa akin. Hindi nga po ibinalot iyon eh, sayang nga, sana mas okay kung na-gift wrap niya.”

Esplika pa niya, “Kung makikita nyo sa litrato, fist bump ang hinihingi ko sa kanya, ayaw niya, gusto niya embrace. Alam nyo po kung bakit? Kasi for the very first time po, ganyan po nakapagpasalamat sa akin ang ating incoming pangulo na Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

“Bakit po? Kumpare ko po iyan, siya po ay kumpare ko at ninong ng aking bunso na si Ichiro. Kaya para po sa akin ay very monumental ang yakap na iyan, kasi unang-una po ay hindi siya nakasipot noong binyagan. Kaya dapat noon pa man ay nayakap ko na iyan. Eh wala eh, roon pala sa entablado, sa last day ng kampanya at saka ako nabigyan nang pagkakataon. Fist bump lang ang hiningi ko, kasi nga ay baka bawal ang yumakap, pero hindi eh.”

Ano ang naramdaman niya sa yakap ni BBM?

Tugon ni Andrew, “Iyon po ay tunay na yakap, tunay na yakap po iyon. Yakap nang pagpapasalamat na hndi maibigay sa inyo sa salita, kaya hug na lang talaga. Ako naman po, yung hug ko ay thank you also.

“Bakit? Thank you for being so humble enough, thank you for being so patient enough na sa tagal-tagal ng panahon, sa tagal-tagal ng dekada ay napili mo pa rin mahalin ang Pilipinas natin. Maraming salamat po,” seryosong sambit pa ni Andrew.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …