RATED R
ni Rommel Gonzales
TODO ang suporta ni Alma Concepcion sa mga miyembro ng LGBTQIA+.
“Kasi napapansin ko, even my brother who’s gay, napapansin ko lahat ng mga kaibigan niya, lahat productive, lahat successful, so nawawala na ‘yung… mali na ‘yung stigma noon na if you’re gay, kawawa ka naman.
“Nababago na ‘yun. Actually marami ngang businesses na tina-target ang mga single eh, kasi they’re the spending crowd, ‘di ba?
“So sila ‘yung ano, sila ‘yung powerful, very powerful ang LGBTQIA when it comes to economy kasi sila ‘yung spending.
“Kaya malaking empowerment ito, malaking opportunity, at saka hindi limitasyon ang gender mo to do whatever you like.”
Maging ang pagsali ng mga lesbian sa mga beauty pageant tulad ng Miss Universe Philippines ay pabor si Alma.
“If you wanna compete, if you wanna be a parent, if you wanna shine in whatever career, kahit ano ka pa, kahit anong gender mayroon ka, it’s a, kumbaga hindi na dapat isinasali ‘yung sexual preference mo when it comes to excellence.
“If you’re very good at what you’re doing ‘di ba, hindi na dapat kinukuwestiyon what you’re doing in your bedroom,” seryosong pahayag pa ni Alma.
Kasama si Alma sa cast ng False Positive na bida sina Xian Lim at Glaiza de Castro.
Sa direksiyon ni Irene Villamor, second lead dito sina Herlene ‘Hipon Girl’ Budol at Buboy Villar. Ito rin ang first major TV role ni Herlene.
Kasama rin sina Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Dianne dela Fuente, at si Ms. Nova Villa.