Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea  game makasama si John Lloyd: Sana lang tumugma ang schedule namin

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ma-unlock ni Bea Alonzo ang panibagong achievement sa pagkakaroon ng 100 vlogs sa kanyang YouTube channel, tila isang bagay pa ang gusto niyang gawin.

Ito ay ang muling makasama sa isang proyekto ang kanyang longtime onscreen partner at premyadong aktor na si John Lloyd Cruz.

Kapag natapos na ang taping ni Bea sa Start-Up Phat kung magtutugma ang schedule nila ng aktor, malaki ang posibilidad na matuloy ang kanilang dream project.

“Lahat ito ay magdedepende pa sa time naming dalawa kung magtutugma at magdedepende pa sa script kung mababasa na ni John Lloyd and if he will agree to doing it. It’s very exciting and nakaka-flatter din kasi kahit na sobrang tagal na naming magkapareha hindi pa rin nawawala ‘yung interes nila sa amin,” pahayag ni Bea.

Ang This Generation’s Movie Queen ay mapapanood sa nalalapit na pagpapalabas ng Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up, samantalang si John Lloyd naman ay kasalukuyang napapanood bilang bida sa GMA comedy series na Happy ToGetHer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …