Thursday , March 6 2025
Aiko Melendez Oplan Baklas

Oplan Baklas ni Konsi Aiko kapuri-puri

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Aiko Melendez sa pinalad na manalo sa nagdaang eleksiyon bilang konsehal sa District 5 ng Quezon City.  Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura. 

Ayon sa FB post ni Aiko published as it is, “Officially Back To public Service! Maraming Salamat sa aking Pamilya na naging inspirasyon ko sa aking kampanya at laban. Salamat Congressman Jay Khonghun salamat baby kahit me laban ka din na sarili di mo ako pinabayaan. Salamat sa aking 2 anak na naging katulong ko sa pangangampanya hanggang mapanalo namen to Andre Yllana Marthena Jickain love you so much! Sa aking kapatid na nagsilbi na campaign manager ko salamat at napanalo naten ito, mahirap man dahil independent ako pero di naten pinaramdam sa ating distrito ang pagiging independent. Angelo Castaneda salamat! Kagawad Jon-Jon Llegado na di lang kaibigan kapamilya na dn namen salamat sa lahat lahat. Erick Ibañez maraming salamat sa wala kapaguran mo na pakikipaglaban sa akin. Sa aking Team, Marshalls at leaders ko salamat para sa inyo ang panalo na to. Lord God thank you Po! Mananatili akong magsisilbi na ayon sa gusto mo at kng ano ang karapat dapat para sa mga tao! Dist 5 QC! Di ko kayo bibiguin Description: 🙂

At kahapon sinimulan agad ni Konsi Aiko ang Oplan Baklas. Ito ‘yung pagbaklas sa mga ikinabit nilang tarpaulin noong nakaraang eleksiyon.

Umagang-umaga pa lang ay pinangunahan na ni Aiko ang Oplan Baklas. Aniya, “GOOD AM district 5…. Oplan baklas ng mga kinabit nameng Tarpaulins  nung Nakaraan eleksyon, kami ay nakikiisa po sa clean up drive ng bawat barangay upang mabawasan din ang kanilang trabaho. Mas mapapabilis po kng kami ay magtulong tulong… Description: 🙂 kasama ang aking Team at sumama dn ang aking bunso Marthena Melendez Jickain Salamat din kagawad Jon-Jon Llegado sa pagsama sa aming initiatibo sa isang mas maaliwalas na dist 5 Description: 🙂

Sana’y tularan si Aiko ng iba pang mga politikong nagsipagkabit ng kani-kanilang tarpaulin para naman maibalik ang kalinisan ng mga lugar na pinaglagyan nila ng tarp.

To Konsi Aiko, our congratulations!

About Rommel Placente

Check Also

Michael Sager

Michael apektado sa bashing, pinaghuhusay ang acting

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang artista o celebrity ay nakatatanggap din ng pamba-bash …

Bam Aquino Ogie Diaz

Ogie Diaz suportado pagtakbo ni Bam Aquino sa senado

I-FLEXni Jun Nardo ISA si senatorial candidate Bam Aquino sa tatlong senatoriables na susuportahan ni Ogie Diaz ngayong May …

Vilma Santos

Ate Vi binigyang kahalagahan mga kababaihan 

I-FLEXni Jun Nardo PINAHALAGAHAN ni Batangas governatorial candidate Vilma Santos-Recto sa inilabas niyang video message sa Facebook ang mga …

FPJ Panday Bayanihan Partylist nagpapaalala sa local absentee voters registration deadline sa Marso 7

FPJ Panday Bayanihan Partylist nagpapaalala sa local absentee voters registration deadline sa Marso 7

NANAWAGAN at binigyang-diinni Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang paalala ng …

Pep Goitia Ang Bumbero ng Pilipinas ABP partylist

Pagpapakalat ng maling impormasyon ng Tsina, sinita ng ABP Party List

“Importante sa bawat Pilipino ang katapatan sa ating bandila at sa ating bansa” ito ang …