Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mahal

Fans ni Mahal nakasuporta pa rin kahit wala na ang komedyante

MA at PA
ni Rommel Placente

AMINADO si Luy, bunsong kapatid ng namayapang komedyana na si Mahal, na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move-on  sa pagkawala ng kanyang ate. Mahal na mahal kasi niya si Mahal. 

Mabuti na lang at nandiyan ang mga tagahanga ni Mahal na siyang nagpapalakas ng kanyang loob.

Ang mga ito kasi, sa kabila ng wala na si Mahal ay nagpapakita pa rin ng pagmamahal  rito. In fact, monthly ay binibisita nila ang puntod ni Mahal.

“Tuloy pa rin ang buhay kahit wala na si ate Mahal. Sa ngayon, nandiyan naman ‘yung  fans niya na naka-support pa rin sa kanya.

“Sila ‘yung  nagpapalakas ng loob ko. Eight months nang wala si ate Mahal, pero hanggang ngayon lagi pa rin nilang dinadalaw ang puntod niya at laging may dalang bulaklak. Sobrang laki ng pagmamahal nila kay ate Mahal,” ani Luy.

“Nagpapatayo po kami ng museleo para kay ate Mahal. Hindi po namin maipatatayo iyon kung hindi rin sa tulong ng fans niya. 

“Salamat sa panonood nila sa Youtube ni ate Mahal. Kahit wala na siya ay lagi pa rin nilang pinanonood. At  sa mga donation na ibinibigay nila para maipatayo ang museleo. Plus, ‘yung mga naipon pong pera ni ate Mahal, pinagsama-sama po namin.

“Malapit nang matapos ang construction..Nasa 80% na,” sambit pa ng kapatid.

‘Naiibsan po talaga ang lungkot ko kapag nakakasama ko ang fans ni ate Mahal. Sobrang salamat po talaga sa pagmamahal na ipinakikita nila sa kapatid ko. At gusto ko rin pong iparating sa kaila na mahal ko rin sila,” dagdag pa nito. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link