Tuesday , May 13 2025
Angel Locsin

Angel sa mga kapwa kakampink — ‘wag manghina, lumaban tayo ‘di para sa isang tao, kundi para sa bayan

MA at PA
ni Rommel Placente

IPINAGMAMALAKI pa rin ni Angel Locsin na isa siyang Kakampink, kahit hindi nanalo ang sinuportahan at inendoso niyang pangulo, si VP Leni Robredo sa katatapos lang na national election noong May 9.

May panawagan ang aktres sa kapwa niya Kakampink na idinaan niya sa kanyang Instagram account. ”To my fellow kakampink volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end.

“Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat…na walang pagaalinlangan.

“Hindi tayo naging madamot, itinaya ang pangalan at oras. Lumaban kahit mahirap para sa ating paniniwala at sa kapwa.

“Kahit imposible. Lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan.

“Kaya kahit matatapos na ang bilangan. Piliin pa rin natin ang bayan. Piliin pa rin natin ang Pilipinas.

“Patuloy tayong magpakita ng malasakit at kumilos para sa kapwa.

“Ipinagdarasal ko na darating rin ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo.”

May mensahe rin si Angel para kay VP Robredo. ”Salamat Mam Leni sa inspirasyon.”

Gaya ni Angel, nag-post din sa kanyang Instagram account si Pokwang para iparating kay VP Leni na hindi siya nagsisi na ito ang sinuportahan niya.

Post niya sa Instagram: ”Hindi po ako nagsisi na sinuportahan kita, at kahit kailan di ko ikahihiya na sinuportahan ko ang isang Leni Robredo thank you po at hinayaan nyo akong maging parte ng iyong journey, may mga nayakap at nakausap na tao nadagdagan ang kaibigan sa maiksing panahon ng mga rallies na nakasama ako, isang nakakapagod ngunit masayang experience kasama mga nagmamahal sayo.”

At para sa kapwa niya Kakampink, sinabi nitong, ”Back to work back to normal ang buhay laban ulit.”

Samantala, may panawagan naman si Bianca Gonzalez sa kapwa niya Kakampinks, na idinaan niya sa kanyang Twitter account.

Post niya, ”IPAGPATULOY natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa’t isa!

“Kaya’t patuloy nating protektahan at pahalagahan ang ating kalayaan na pinaglaban ng mga nauna sa atin, ‘wag nating baliwalain.”

Ipinagdiinan din ni Bianca na hindi pa ito katapusan ng laban dahil simula pa lang ito ng kanilang pakikibaka para sa pagkakaroon ng maayos at maunlad na bansa.

“Lahat tayo mahal ang ating bansa, kaya sa abot ng ating makakaya, ipagpatuloy natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa’t isa.

“Di ko alam kung paano, kung gaano katagal, at oo nakakapanghina ng loob, pero kung sama-sama tayo, we stand a chance.

“Kailangan natin labanan para sa mga susunod na henerasyon,” pahayag pa ng TV host.

About Rommel Placente

Check Also

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …