Wednesday , April 9 2025

Protesta umarangkada
BOYKOT, WALKOUT IKAKASA VS MARCOS, JR.

051122 Hataw Frontpage

IKINAKASA ng iba’t ibang organisasyon ng mga estudyante sa pinakamalalaking unibersidad sa bansa para pigilan ang posibleng pagdedeklara sa anak ng diktador Ferdinand Marcos, Jr., bilang ika-17 Pangulo ng Filipinas.

Kabilang sa nanawagan ang student council ng Ateneo de Manila University, De La Salle University of Manila, Far Eastern University, at Polytecnic University of the Philippines.

Kombinsido sila na nagkaroon ng sistematiko at malawakang dayaan sa katatapos na halalan bunsod ng pagpalya ng libo-libong vote counting machine (VCM), SD cards at iba pang naging aberya noong Lunes.

“Tapat tayong lumahok sa eleksiyon. Ngunit, pandaraya at paglabag sa batas ang sagot ng administrasyon. Hindi tayo papayag na pamunuan tayo ng mga magnanakaw at mamamatay-tao,” pahayag ng UP Office of the Student Regent, ang pinakamataas na representasyon ng mga estudyante sa board of regents ng University of the Philippines (UP).

Dumagsa ang may 2,000 estudyante sa indignation rally sa harap ng punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) at nagmartsa hanggang Liwasang Bonifacio kahapon ng umaga bilang pagkondena sa dayaan sa eleksiyon, at sa pagnanalik ng tambalang Marcos-Duterte sa kapangyarihan.

Mananatili sila sa Liwasang Bonifacio hanggang ilabas ng poll body ang pinal at opisyal na resulta ng halalan.

“Sa panahon na lantaran ang kabi-kabilang anomalya sa halalan, hindi natin hahayaan na maluklok ang isang anak ng diktador at siyang sinungaling at magnanakaw,” ayon sa FEU Central Student Organization.

Para kay Kontra Daya convenor Danilo Arao, ang katatapos na eleksiyon ang pinakamasahol, pinakabulok at pinakagarapal ang dayaan. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Victor Lim FFCCCII

Industrialist Victor Lim elected as new president of FFCCCII

MANILA, PHILIPPINES – The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) …

Lito Lapid Gwen Garcia

Sen Lito itinutulak Cebu Church restoration project

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan ng Cebu …

Bulacan Police PNP

Bulacan police ops
3 tulak, 2 pugante swak sa hoyo

SA PINAIGTING na pasisikap ng pulisya laban sa kriminalidad, naaresto ang limang indibidwal na pawang …