Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofi Fermazi Direk Perry Escaño

Newbie singer na si Sofi Fermazi, niluluto na ang launching album

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAKILALA ni Direk Perry Escaño ang newbie singer na si Sofi Fermazi, isa sa talents nila sa MPJ Network.

Si Sofi ay bagong singer at upcoming actress, siya’y 17 years old at tubong Masbate. Inusisa namin ang album na ginagawa ng dalagita.

Kuwento ni Sofi, “So yung name po ng album na we’re working on po is called Rain Inside Us, bale may tatlong songs po ako roon. Mayroon din pong ibang artists dito from ABS CBN and it will be released po by Star Music.”

Sino ang fave singer niya? Wika ni Sofi, “Sa mga local singers po, I really admire Sarah Geronimo po.”

Paano niya na-discover si Sofi?

Tugon ni Direk Perry, “Nagkaroon kasi ako ng advance acting workshop last August at isa si Sofi sa new artists doon. Isa siya sa nag-enrol sa acting workshop na in-organize ng grupo namin.

“Nalaman ko na kumakanta si Sofi dahil noong bata pa siya ay na kay Vehnee Saturno siya, eh. So, maganda yung boses niya, pinag-aralan namin ng mga kasamahan ko and we decided na i-manage siya ng group namin, ng MPJ Network. So, isa si Sofi sa pool of artists ng MPJ and soon po ay may ila-launch pa kaming ibang artists po.

“Si Sofi ay very talented, even though she’s very young, makikita mo yung passion niya sa music na nandyan talaga,” wika pa ni Direk Perry.

Nabanggit din ni Sofi na game rin siyang sumabak sa pag-arte, sa tamang panahon.

“Yes po may balak din akong pasukin ang acting, pero siyempre po kasi newbie pa po ako at kailangan pang i-hone yung skills ko bago ako sumabak sa acting po,” nakangiting pakli pa ni Sofi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …