Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dexter Doria Nana Didi

Dexter Doria 50 taon na sa showbiz, ano nga ba ang sikreto?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LIMANGPUNG taon na sa showbiz si Dexter Doria at sa tagal niya rito, ni hindi siya nasangkot sa anumang gulo o kontrobersiya. Napag-usapan lang siya kamakailan nang matapang nitong inihayag na kaya niyang ikuwento ang nalalaman niya sa martial law.

Pero ano nga ba ang sikreto ng isang Dexter Doria at nakatagal siya ng 50 taon sa showbiz?

Pakikisama talaga is number one,” tugon nito sa digital media conference kamakailan  ng Memories of a Love Story ng Vivamax. “Although marami talagang mga diva na dahil sa sila ay diva kaya naman sila nagtatagal,” dugtong pa ng magaling na aktres.

Very tricky ‘yan, kasi kapag nagtatagal ka na, rerespetuhin ka rin naman ng mga tao so hindi mo na kailangan na magpaka-diva.

“Para sa akin, galingan mo ang trabaho mo. Expected na ‘yan, gagalingan mo ang trabaho mo at saka hindi ka lang makikisama sa direktor at sa producer, pati sa lahat, pati sa utility because feeling entitled won’t get you anywhere.

“Kailangan talaga na you’re a regular fellow na nagtatrabaho kayo, nagtatrabaho tayong lahat. Pantay-pantay tayo, that is the secret,” aniya.

Super happy naman ang beteranang aktres at nakasama siya Memories of a Love Story dahil  reunion movie nila ito ni Direk Jay Altarejos na siya namang pagbabalik ng direktor sa Viva.

Nagkatrabaho na sina Dexter at Direk Jay sa Memories of Forgetting na tatlong best supporting actress award ang naiuwi ng aktres mula sa Gawad Urian, FAMAS, at Gawad Tanglaw.

“The fact he gave me three best supporting actress awards, parang walang ibang nakagagawa niyan sa ibang directors ko ,and because of that, I have the highest respect for him.

“I cannot describe the fact na kapag si Jay ang tumawag sa akin, talagang nanginginig pa,” nangingitingsabi pa ni Dexter.

Isang LGBTQIA+ ang istorya ng Memories of a Love Story na pinagbibidahan nina Oliver Aquino at Migs Almedras.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …