Tuesday , April 15 2025
Bongbong Marcos

COC ni Marcos, Jr. ipakakansela sa Korte Suprema

MAGPAPASAKLOLO sa Korte Suprema ang mga biktima ng martial law upang ipakansela ang certificate of candidacy (COC) ng anak ng diktador at presidential bet Ferdinand Marcos, Jr., matapos ibasura kahapon ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang kanilang petisyon.

Sinabi ni Kapatid spokesperson Fides Lim, pinaninindigan ng kanilang grupo ang petisyon na ipakansela ang COC ni Marcos, Jr., dahil isa siyang convicted tax evader kaya’t hindi siya puwedeng maging presidential bet sa 2022 elections.

“Our lawyers will now go to the Supreme Court to challenge the Comelec decision that summarily and belatedly dismissed our petition though the Comelec had ample time to decide on our petition way before Election Day,” ani Lim sa isang kalatas.

Sinabi ng mga petitioner, hindi dapat tumakbo si Marcos dahil sa tax evasion conviction noong 1995 dahil sa kabiguang paghahain ng kaniyang income tax returns noong siya’y gobernador at bise-gobernador ng Ilocos Norte mula 1982 hanggang 1985.

“Marcos Jr.’s prior criminal conviction involves perpetual disqualification from public office. His projected presidential win does not absolve him from this immutable fact nor does it detract a bit from the fundamental principles of truth, honesty, accountability and integrity demanded of any person who seeks the highest office in land. This is the core of our petition,” ayon kay Lim.

“Our battle now continues before the bench of the Supreme Court and in other venues to make our voices heard that principle not politics must hold sway. We ask every Filipino citizen to stand with all of us who value the same principles and rule of law that define us as a nation.”

Kapag kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon sa panahong nakapanumpa na si Marcos, Jr., bilang ika-17 pangulo ng bansa, matatanggal siya sa puwesto at papalitan ng nagwaging bise-presidente na inaasahang si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sakaling maglabas ng desisyon ang Supreme Court na pabor sa petitioner at hindi pa nakakapanumpa si Marcos, Jr., bilang pangulo, ang iluluklok na presidente ng Filipinas ay ang ikalawang nakakuha ng pinakamataas na boto sa presidential elections na si Vice President Leni Robredo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …