Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Aiko Melendez Richard Gomez Lucy Torres Vico Sotto Ejay Falcon

Arjo, Richard, Ejay, Vico, Aiko, Nash wagi sa eleksiyon 2022 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI-RAMI rin ang mga artistang sinuwerteng nakalusot sa katatapos na eleksiyon. Kaya naman masasabing marami pa ring celebrities ang malakas ang dating hindi lang sa entertainment industry kundi  maging sa politika.

Pinangunahan ni Robin Padilla ang mga artistang nakalusot ngayong eleksiyon. Bagamat hindi ganoon kalakas ang makinarya ng action star, nagawa naman niyang manguno sa botohan para senador. Bukod kay Robin, pumasok din sa ikatlong puwesto ang broadcaster na si Raffy Tulfo at habang isinusulat namin ito’y nag-aagawan sa panghuling pwesto sina Jinggoy Estrada at Herbert Bautista.

Wagi rin ang first time candidate  sa 1st district ng Quezon City na si Arjo Atayde.

Panalo rin si Jolo Revilla bilang kongresista ng District 1 ng Cavite gayundin si Nash Aguas bilang konsehal ng Cavite. Nanguna rin sa bilangan ng boto si Lani Mercado sa pagka-kongresista sa 2nd district ng Cavite.

Pasok din sa labanan bilang mga kongresista sina Dan Fernandez  sa lone district ng Sta. Rosa, Laguna, ang boyfriend ni Aiko Melendez na si Jay Khonghun sa 1st district ng Zambales at ang asawa ni Vilma Santos na si Ralph Recto sa Lipa, Batangas, pati na si Richard Gomez sa 4th district ng Leyte samantalang si Lucy Torres ay panalo rin bilang mayor ng Ormoc City.

Number one rin sa canvassing  si Ejay Falcon bilang vice governor ng Oriental Mindoro at lumamang din sina Daniel Fernando at Alex Castro bilang governor at vice governor ng Bulacan. Si Ina Alegre pa rin ang may hawak ng Pola, Oriental Mindoro. 

Wagi pa rin ang anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico Sotto bilang mayor ng Pasig katuwang si Dodot Jaworski gayundin si Angelu de Leon bilang konsehal naman ng 2nd district ng Pasig.  

Winner din sa pagka-mayor ang boyfriend ni Sue Ramirez na si Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental at ang dating PBA player na si Vergel Meneses  sa Bulacan, Bulacan.

Tagumpay din sa pagtakbo bilang vice mayor sina Yul Servo (Manila), at Gian Sotto (Quezon City).

Ilan naman sa mga artistang tumakbo sa pagkakonsehal, nanalo sina Alfred Vargas at Aiko Melendez sa Quezon City gayundin si Kiko Rustia sa Pasig City.

Hindi rin nagpatalo ang mga basketball players na sina James Yap, Paul Artadi, at Don Allado, pati na ang Kapuso actor na si Ervic Vijandre, at ang boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay na pasok din sa pagkakonsehal sa San Juan City.

At sa ikatlong pagkakataon wagi rin si Jhong Hilario sa Makati City at sina Vandolph Quizon, Jomari Yllana, at Ryan Yllana sa Parañaque City. Pasok din sa pagkakonsehal sina Lou Veloso sa Manila at ang Bb. Pilipinas-Globe 2019 na si Leren Bautista sa Los Baños, Laguna.

Nakapasok naman bilang board member si Jason Abalos ng Nueva Ecija.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …