Thursday , March 27 2025

TAUHAN NG 2 MAYOR BETS SA NUEVA ECIJA DINISARMAHAN (Gapangan sa kampanya nauwi sa barilan)

INARESTO at dinisarmahan ng mga awtoridad ang mga supporters ng magkatunggali sa pagka-alkalde ng General Tinio, Nueva Ecija na sina Mayor Isidro Pajarillaga at mayoralty candidate Virgilio Bote matapos masangkot sa insidente ng barilan, nitong Sabado ng gabi, 7 Mayo.

Batay sa ulat ni Nueva Ecija PPO director P/Col. Jess Mendez kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nakatanggap ng impormasyon ang General Tinio MPS na may insidente ng barilan sa Purok Gulod, Brgy. Concepcion, sa nabanggit na bayan dakong 11:30 pm na agad nirespondehan ng mga apulis na nagsasagawa ng checkpoint sa kalapit na lugar.

Pagdating sa lugar, nakita nila ang isang puting Nissan Navarra at isang kulay abong Ford Raptor na parehong tadtad ng bala.

Nakita ng mga nagrespondeng pulis ang limang duguang tao malapit sa Nissan Navara na kinilalang mga security personnel ni mayoral candidate Virgilio Bote, samantala 19 pang kahina-hinalang kalalakihan na kinilalang mga security personnel ni Mayor Isidro Pajarillaga ay nakitang malapit sa Ford Raptor.

Dito dinakip ng mga tauhan ng General Tinio MPS at dinisarmahan ang sangkot na kalalakihan.

Nakompiska mula sa mga tauhan ni Bote ang isang 12-gauge shotgun at isang caliber .45 pistol, samantala nasamsam mula sa security personnel ni Pajarillaga ang limang M16 rifles, 11 caliber .45 pistols, tatlong 9mm pistols, isang caliber .40 pistol, isang 12-guage shotgun, 71 bala ng caliber 5.56, 138 bala ng caliber .45, 41 bala ng caliber 9mm, 12 bala ng cal .40, walong bala ng shotgun, anim magasin para sa M-6 rifle, 26 magasin para sa mga pistola, walong holsters, 20 cellphones, tatlong handheld radios, campaign leaflets ni Mayor Isidro Pajarillaga, at iba pang gamit ng mga suspek.

Pahayag ni P/BGen. Baccay, ang puwersa ng pulisya sa buong Central Luzon ay ginagawa ang lahat upang mabawasan ang mga insidente ng karahasan sa rehiyon lalo ngayong panahon ng eleksiyon.

About Micka Bautista

Check Also

Arjo Atayde kusina on wheels

Kusina on Wheels angat sa mga proyekto ni Arjo

MA at PAni Rommel Placente SA unang sabak palang sa politika ni Arjo Atayde three years ago, …

Pio Balbuena Bam Aquino

Rapper/actor/ direktor nagpasalamat sa libreng kolehiyo ni Bam

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPASALAMAT ang rapper/actor/director at vlogger na si Pio Balbuena kay dating senador at independent senatorial …

Bam Aquino Pio Balbuena

Pio Balbuena nagpasalamat kay Sen Aquino sa pagbibigay pag-asa sa mga tambay

NAPAKALAKING bagay na mabigyang pagkakataon na makabalik sa pag-aaral ang mga tambay. At naisakatupar ito …

Arjo Atayde SODA

Arjo ilang beses naluha sa kanyang SODA: 400K residente nakikinabang sa Aksyon Agad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez EMOSYONAL si Congressman Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) …

032625 Hataw Frontpage

P136-M shabu nasamsam sa pulis, 3 alalay

ni ALMAR DANGUILAN DINAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine …