Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa bayan ng Magsingal, lalawigan ng Ilocos Sur.

Sa ulat, nabatid na nagresponde ang mga biktima sa Brgy. Patong nang makatanggap sila ng impormasyong may nagaganap na vote buying sa lugar.

Samantala, sinabi ng isang mayoral candidate na nagkatensiyon nang nahulog ang baril ng isang bodyguard saka may dumating na armadong grupo na nauwi kalaunan sa putukan.

Ayon sa pulisya, mga tauhan ng tumatakbong vice mayor na si Larry Ceria ang mga biktima, habang dalawang katao pa ang sugatan sa kanilang kampo.

Sugatan rin ang dalawa mula sa kampo ng tumatakbong mayor na si Alrico Favis at asawang vice mayoral candidate na si Ina Favis.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …