Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Biado Wife Niks
Si Carlo Biado pagkaraang magkampeon sa NAT’L 10-BALL TOURNAMENT at ang asawa niyang si Niks na ipinagmamalaki niyang sabihin na ‘lucky charm’ niya sa bawat torneyo na salihan.

Biado kampeon  sa Nat’l 10-Ball Tournament

NAGHARI si World 9-Ball champion Carlo “The Black Tiger” Biado sa katatapos na National 10-Ball Tournament na sumargo sa Robinson’s Mall sa Naga City nung Sabado.

Ang magandang preparasyon ni Biado ay isang prebyu para sa ‘di mapipigilang pagsungkit niya ng gintong medalya sa paparating na   31st Southeast Asian Games  na sasargo sa Hanoi, Vietnam.  Nakatakda siyang maglaro para sa bansa sa men’s 10-ball at 9-ball singles.

Tinibag  ni Biado si Raymund “The Pharaoh” Faraon, 11-3, sa finals.

Bago makasampa  sa finals ay giniba  muna ni Biado  sina Alexis Ferrer, 10-8, sa Round-of-16;  James “Dodong Diamond” Aranas, 10-6, sa Round-of-8;  at Anthony “Anton” Raga, 11-6, sa Round-of-4.

Samantalang si  Faraon na ipinagmamalaki ng Sipocot, Camarines Sur ay sinisiw niya si  Jerico Bonus, 10-4, sa Round-of-16;   Marvin Pastor, 10-4, sa Round-of-8;  at Rodrigo “Edgie” Geronimo, 11-10, sa Round-of-4.

Sa naging panalo ni Biado ay kumabig siya ng papremyong P102,000,  samantalang si Faraon   na naging runner up ay nagkasya na lang sa P30,000.

 “I hope to win the SEAG gold,” sabi ni  Rosario, La Union native Biado na magiging katambal ang isa pang popular cue master na si Johann “Bubwit” Chua sa SEAG.

Sa women’s side ay tutumbok din sina Rubilen Amit at Chezka Centeno sa 10-ball at 9-ball.

Sasamahan naman ni Francisco Dela Cruz si Efren “Bata” Reyes sa one-cushion at three-cushion carom.

Sa snooker ay pambato naman natin  sina Alvin Barbero at Jeffrey Roda para sa men’s singles at 6-red singles.

Sina Amit at Centeno ang magtatangol sa korona ng 9-ball at 10-ball singles sa Hanoi.

MARLON BERNARDINO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …