UMAABOT sa 30 katao ang inaresto ng mga awtoridad nang maispatang nag-iinuman sa labas ng kanilang mga tahanan kahit ipinatutupad na ang “liquor ban” bukod sa pagsuway sa ipinatutupad na health protocol sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.
Ang mga naaresto sa kahabaan ng Maunlad at Mabilis streets sa Barangay Pinyahan, ay sina Mark Anthony Catagan, 43 anyos; Stephanie Añonuevo, 25; James Sanchez, 20; Gloria Naynes, 37; Landys Estardo, 18; Jade Enojosa, 18; Ricardo Hinampas, 45; Aileen Perez, 42; John Sarbillana, 23; John Weng Vicente, 21; Mike Hilario, 19; Renato Luzong, 56; Arnel Ambos, 60; Fernando Oavina, 52, at Chiristian Jay Semillano, 18; Aldrin Briones, 19; Carlo Jay Lausin, 19; Alfredo Cambay, 19, at Joselito Credo, 25 anyos.
Sa Kalayaan Avenue, Barangay Central, binibit din sa himpilan ng pulisya sina Luis Rafael, 21;
Ronald Magat, 38; Prinz Carino, 19; Marex Gabato, 33; Anthony Barsolaso, 27; Mark Joseph Arienda, 26; Martin Buctot, 33; Erwin De Luna, 27; Renier Arienda, 18; Blass Richard Paul Crusio, 27, at Alex Relota, 25.
Batay sa report ng Kamuning Police Station (PS 10) ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 1:30 am nitong 8 Mayo, isa-isang binitbit ang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar sa mga kalye ng Maunlad, at Mabilis sa Barangay Pinyahan, at sa Kalayaan Avenue, Barangay Central, Quezon City.
Ayon sa mga umarestong sina P/SMSgt. Henry Montiel, P/SMSgt. Guillermo Deudor, P/SSgt. Mark Anthony Marfilla, P/Cpl Cyrus Ticar, P/SSgt. Josieric Quiniquito, P/Cpl. Nestor Ermitano, Jr., Pat. Rayven Amparo sa pamumuno ni P/Lt. Jorge Villanueva, nagsagawa sila ng anti-criminality operation na may kaugnayan sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10746 na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili, at pag-inom ng alak mula 8-9 May0 2022.
Sa pagpapatrolya ng mga awtoridad, naispatan nila sa mga nabanggit na lugar ang mga nag-iinuman sa labas ng kanilang mga bahay at walang nakasuot ng face mask kaya isa-isa nilang painagbibitbit ang mga suspek.
Ang mga nadakip ay kakasuhan ng paglabag sa COMELEC Liquor Ban at Health Safety Protocol. (ALMAR DANGUILAN)