Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Guillermo Eleazar

Eleazar: Kaso ng nawawalang mga sabungero lutasin, ‘guerrila operation’ ng online sabong pigilan

NGAYONG suspendido na ang operasyon ng online sabong, kailangan ituon ng mga awtoridad ang pansin sa paglutas sa kaso ng 34 nawawalang sabungero, ayon kay senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

“Ipinagbawal ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte ang online sabong sa bansa ngunit wala pa tayong nakukuhang updates tungkol sa mga nawawalang sabungero. Hindi puwedeng mabaon na lang ito sa limot,” ani Eleazar.

“Tulungan natin ang pamilya ng mga nawawalang sabungero na makita ang kanilang mga kaanak o malaman ang kanilang kalagayan. Aside from that, let us give justice to what was done on them. Kailangang may managot dito,” aniya.

Nanawagan si Eleazar, dating hepe ng Philippine National Police (PNP), sa PAGCOR na maging mapagmasid sa posibilidad na may magpatuloy ng operasyon ng online sabong kahit ipinagbabawal ng pamahalaan.

“Si Pangulong Duterte na ang nagbawal sa operasyon ng online sabong kaya dapat siguraduhing walang makalulusot dito. Dapat mapanagot sa batas ang sinomang lumabag sa kautusang ito,” aniya.

Dapat aniyang alamin ng PAGCOR kung saan pa maaaring makalikom ng kita, matapos ipatigil ng Pangulo ang online sabong.

Pinaalalahanan ni Eleazar ang publiko sa masamang epekto ng sugal ‘di lang sa buhay ng isang tao at ng kanyang pamilya, kundi pati sa lipunan.

“Bukod sa pagkakalubog sa utang at pagkakasira ng pamilya, maaaring pag-ugatan ng iba pang krimen ang pagkakalulong sa sugal. Kaya naman paulit-ulit ang paalala natin sa publiko na iwasan ito,” aniya. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …