IBINAHAGI ni Carla Abellana sa kanyang Instagram story na nakakatanggap siya kamakailan ng masasakit na salita mula sa mga fan and random persons.
Sabi ni Carla, “So much hurtful words thrown at me today by random persons and ‘fans.’”
Sa post na ito ng aktres, hindi naman niya binanggit kung ano ‘yung sinasabi niyang masasakit na salita na natatanggap niya.
Ano nga kaya ‘yun at bakit siya pinagsasalitaan ng hindi magaganda mula sa mga fan?
Nag-post din si Carla ng larawan niya na kasama ang ilang mga babaeng fans niya.
“Thank goodness for fans i know personally and who actually know me well enough,” caption ni Carla sa larawan.