Thursday , December 19 2024

Pulis-QC na nag-viral sa socmed sa panunutok ng baril hawak na ng QCPD

NASA KUSTODIYA na ng Quezon City Police District (QCPD) ang pulis na nag-viral sa social media dahil sa ginawang panunutok sa kapatid at kinakasama ng kanyang kasintahan sa lungsod.

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Remus Medina ang suspek na si P/Cpl. Wesley Hernandez, nakatalaga sa Holy Spirit Police Station (PS-14).

Kinilala ang mga biktima na sina Catherine Mojica, 37 anyos, at live-in partner na si Shaun Anthony Dolor, 43, kapwa residente sa Diego Silang St., Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Base sa ulat, dakong 8:45 pm nitong 29 Abril nang maganap ang insidente sa harap ng tahanan ng mga biktima.

Lumalabas, ang pulis ay karelasyon ni Jennelyn Mojica na kapatid ni Catherine.

Sinasabi na nag-aaway ang magkasintahan kung saan binato ng pulis ng helmet si Jennelyn, nakita ito ni Catherine kaya agad na kinuha ang kanyang cellphone para makuhaan ng video ang ginagawang pagwawala ni Hernandez.

Nabatid, nang makita ni Hernandez ang ginagawang pagkuha ni Catherine ng video sa kanya ay mas lalo pang nagalit ang pulis at sumigaw na “Uubusin ko kayo, papatayin kita!” at sinabihan na kanyang palabasin ang live-in partner.

Tinawag ni Catherine ang kanyang kinakasama na si Dolor na lumabas ng bahay at dito naganap ang komprontasyon hanggang maglabas ng  baril si Hernandez at tinutukan ng baril ang mga biktima.

Mabilis na nagtatakbo si Dolor sa loob ng bahay at nagawang ma-ilock ang gate.

Bago tumakas ang suspek ay pasigaw na sinabi ang katagang “Papatayin kita!”

Nasa floating status na sa Camp Karingal si Hernandez na nahaharap sa kasong kriminal gaya ng Alarm and Scandal at Grave Threats habang inihahanda ang kasong administratibo laban sa kanya.

Ayon kay Medina, ang mga kagayang pulis ay kailangan mapanagot sa ginawang pagkakamali at sampahan ng kasong administratibo.

About Almar Danguilan

Check Also

Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco perfect boyfriend para kay Cristine

HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila …

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa …

5 law violators silat sa Bulacan police

ISA-ISANG pinagdadakip ang limang katao na pawang gumawa ng mga paglabag sa batas sa inilatag …

TAUHAN NG 2 MAYOR BETS SA NUEVA ECIJA DINISARMAHAN (Gapangan sa kampanya nauwi sa barilan)

INARESTO at dinisarmahan ng mga awtoridad ang mga supporters ng magkatunggali sa pagka-alkalde ng General …

liquor ban

5 TOMADOR SWAK SA SELDA SA PASIG (Sa unang araw ng liquor ban)

NAGHIMAS ng rehas ang limang indibidwal sa lungsod ng Pasig na nahuling sumuway sa unang …