Sunday , December 22 2024
Guillermo Eleazar

Health insurance policy para sa estudyante suportado ni Eleazar

NAGHAYAG ng suporta si senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar para sa panukalang bumuo ng health insurance policy para sa mga estudyante.

Ayon kay Eleazar, malaki ang maitutulong ng panukala upang matiyak ang kalusugan ng mga estudyante lalo ngayong hindi pa tapos ang pandemya.

“Suportado ko ang pagbibigay ng health insurance sa mga estudyante lalo sa panahon ng pandemya o health emergency. Kailangan din ito lalo na’t binabalak na i-expand pa ang face-to-face classes kaya’t mas maraming estudyante ang papasok sa mga paaralan. Nangangahulugang kailangan ng dagdag proteksiyon sa kalusugan ng ating mga mag-aaral lalo na ‘yung hindi pa sakop ng insurance ng kanilang mga magulang,” aniya.

Una rito, sinabi ni Commission on Higher Education chairperson Prospero De Vera na nakipagpulong ang kanyang tanggapan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease at mga opisyal ng iba-ibang unibersidad para talakayin ang health insurance policy.

“Ilalaban ko sa Senado ang pagkakaroon ng malaking pondo para mabigyan ng health insurance ang mga estudyante. Alam nating hindi magma-materialize ang programang ito kung hindi sapat ang pondong ilalaan para rito,” sabi ni Eleazar.

Maaari aniyang tustusan ang insurance policy sa pamamagitan ng karagdagang pondo para sa Department of Health at Department of Education.

Dapat aniyang alamin ng Department of Budget and Management kung saan maaaring hugitin ang naturang pondo.

“Naniniwala akong dapat maging prayoridad ang health insurance policy lalo para sa mga estudyante lalo na’t hindi pa tayo ligtas sa banta ng coronavirus. Alam din nating hindi ito ang huling pandemya na kakaharapin ng ating bansa,” ani Eleazar.

Kabilang sa mga pangunahing isinusulong ni Eleazar sa kanyang kandidatura ang pagtiyak at pagprotekta sa kalusugan ng bawat Filipino.

Balak niya ring bigyan ng health insurance ang barangay workers, mass transport drivers at riders, at mga security guard. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …