Sunday , December 22 2024

3 bata, 2 senior citizens, 5 pa  
10 KATAO PATAY, INULING NG SUNOG

050322 Hataw Frontpage

HINDI na nakilala dahil sa labis na pagkasunog at nagmistulang uling ang 8 biktima ng sunog na namatay sa UP Campus, Diliman, Quezon City kahapon ng umaga; habang ang magkapatid na biktima din ng sunog sa Catarman, kapwa namatay rin, isang 10-anyos batang lalaki, at 18-anyos dalaga ay nakulong sa kanilang kuwarto, sa Catarman Northern, kahapon ng madaling araw.

Patayang walo katao habang tatlo ang sugatan sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang hindi pinangalanang mga namatay na biktima ay kinabibilangan ng isang ina at kanyang dalawang anak, dalawang senior citizens, isang may kapansanan at dalawang iba pa.

Samantala, ang tatlong sugatan ay nalapatan na ng lunas at nasa maayos nang kalagayan.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), dakong 5:20 am nang maganap ang sunog sa dalawang-palapag na tahanan, na matatagpuan sa R6A Employees Village A, Brgy. UP Campus.

Ang naturang tahanan ay pagmamay-ari ng isang Apolinario Almo at inookupahan ng pamilya ni Marie Antonette Almo Agutay.

Sinasabing ang apoy ay nagmula sa silid na inookupahan ni Emirys Richard Artuge.

Nabatid, kabilang sa mga namatay sa sunog ang anim na kamag-anak ni Maria Alea Evangelista.

“Ang buong pag-asa kasi siguro noong mag-iina, kaya tumakbo doon sa itaas, sa bahay ng tiyahin ko, ang pag-asa nila, hindi aabutin [ng sunog] ‘yong bahay. Doon sila na-trap kasi wala na pong daanan,” kuwento ni Evangelista.

Ayon kay Fire Senior Insp. Jose Felipe Arreza ng BFP-Quezon City, sunog na sunog ang mga bangkay at hindi na makilala.

“Hindi na po natin sila makilala kasi charred beyond recognition po sila. ‘Yong anim po nag-umpukan doon sa passage way, doon sila na-trap,” aniya.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa 250 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok sa tinatayang 80 kabahayan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at tinatayang nasa P150,000 ang pinsala, bago tuluyang naideklarang fireout dakong 6:35 am at tuluyang naapula dakong 7:00 am.

Inaalam ng mga imbestigador kung ano ang sanhi ng sunog.

Sa Catarman, Northern Samar, isang 10-anyos batang lalaki at 18-anyos dalaga ang binawian ng buhay ang isang 18-anyos dalaga at kanyang 10-anyos kapatid matapos makulong sa kanilang nasusunog na bahay sa Brgy. Talisay, bayan ng Catarman, lalawigan ng Northern Samar, nitong Lunes, 2 Mayo.

Ayon kay S/Insp. Darwin Orsolino, Catarman fire marshall, nagsimula ang sunog dakong 4:30 am kahapon sa tahanan ng mag-asawang Manuel at Rosanie Bautista.

Sa kasamaang palad, bigong nakalabas ang 18-anyos anak nilang babae at 10-anyos anak nilang lalaki dahil hindi sila agad nagising.

Ayon kay Orsolino, nagising ang dalagang anak ng mag-asawa at sumigaw upang humingi ng tulong ngunit hindi na nagawang makalabas ng dalawa dahil malaki na ang apoy.

Natupok din ng apoy ang kalapit na bahay ng mag-asawang Delfin at Marites Oronos.

Tuluyang naapula ang sunog dakong 5:45 am kahapon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Dagdag ni Orsolino, tinitingnan nilang posibilidad ang nag-overheat na ceiling fan at maaaring sa pangalawang palapag nagsimula ang sunog na mabilis na kumalat dahil gawa sa light materials ang bahay.

Tinatayang nagkakahalaga ng P600,000 ang napinsalang ari-arian. (Mga ulat nina ALMAR DANGUILAN at KARLA OROZCO)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …