Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Vince Rillon Denise Esteban Kaliwaan

Kaliwaan sobra ang pagka-bayolente 

HATAWAN
ni Ed de Leon

IPINAKITA na binubugbog ang nakataling si Vince Rillon. Kinoryente siya. Pinutulan ng tenga. Pinutulan  pa ng dila bago pinatay. At tapos ang kanyang hubo’t hubad na katawan ay itinapon na lang sa harap ng kanilang bahay. At habang ginagawa ang pag-torture sa kanya hanggang sa mamatay, kinukunan pa iyon ng video at inilalabas nila nang live sa social media, kaya nakitang lahat iyon ng kanyang pamilya. Lahat iyon ay ginawa sa kanya bilang ganti sa ginawa naman niya sa isang Muslim na nahuli niyang katalik ng syota niya.

Sa paniniwala ng mga Muslim, iyan ang tinatawag na” rido,” ang ganti ng isang pamilya sa gumawa nang masama sa miyembro ng kanilang angkan. Maaaring nangyayari iyan, hindi lang namin alam kung kasing brutal nga niyong ipinakita sa Kaliwaan.

 Ilalabas iyan ng Vivamax sa kanilang streaming platform. Talagang sa internet lang iyan. Tiyak na rated X iyan kung dadaan sa MTRCB dahil sa nakitang karahasan at mga eksena ng sex. Nagulat nga kami dahil pati si Mark Anthony Fernandez may eksenang nakikipag-sex sa dalawang babae nang sabay.

Iyang mga ganyang pelikula, maliwanag na ang target ay mga film festival sa abroad. May mga sinehan din silang naglalabas ng mga “unrated” na pelikula. Ibig sabihin, hindi rin dumaan sa kanilang classification system. At totoo nga, sinabi ni Brillante Mendoza na dadalhin nga raw iyon sa abroad, pero babawasan ang sex. Baka dagdagan ang violence.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …