Sunday , December 22 2024
Antonio Trillanes Leni Robredo

Trillanes parte na ng ‘Gwapinks’

CERTIFIED “Gwapink” na si senatorial bet Antonio “Sonny” Trillanes matapos tanggapin ang karangalang maging miyembro ng “Mga Gwapo for Leni.”

Kahit sa tingin niya’y hindi siya karapat-dapat maging miyembro ng grupong sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo, sinabi ni Trillanes sa Twitter na tinatanggap niya ang karangalan dahil ito’y aprobado ng aktor na si Edu Manzano.

“I feel that I am not worthy of this honor from @MgaGwapoForLeni, but since the ageless Chairman @realedumanzano has already spoken… I humbly accept,” tweet ni Trillanes.

Kasabay nito, nanawagan ang dating senador sa mga miyembro ng grupo na gamitin ang kanilang ‘kapogian’ para makakuha ng mas maraming botante para kay Robredo at tandem na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“In the meantime, I’m calling on all Gwapos for Leni to use your charms to win over as many voters for #TeamLeniKiko,” ani Trillanes.

Kamakailan, inilagay ng “Gwapo for Leni” si Manzano bilang probationary chairman. Kabilang sa mga miyembro ng grupo ang aktor na si Robi Domingo at Quezon City Rep. Kit Belmonte.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …