Saturday , November 16 2024
Leni Robredo Jillian Robredo

Bunsong anak ni VP Leni, binastos sa Baguio

BINASTOS ng sinabing supporter ni presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr., ang bunsong anak ni Vice President Leni Robredo habang nakikipag-usap sa mga vendor at namamalengke sa Baguio City Market.

Nag-iikot si Jillian Robredo kasama ang ilang mga tagasuporta ng kanyang ina at nakikipagkamay sa mga nagtitinda.

Masaya siyang sinalubong ng ilang vendors na may dala pang poster ng kanyang ina na sumisigaw ng “Leni, Leni, Leni!”

May isang dumaraan na sumigaw ng “Huwag kayong humarang!” Makalipas ang ilang sandali, sumigaw na naman ito ng “Dayuhan ka lang dito! Kami, Igorot kami!”

Dahil sa nangyari, tahimik na umalis ang grupo ni Jillian sa palengke. Hinabol pa siya ng isang miyembro ng One Baguio Benguet (OBB) upang humingi ng paumanhin dahil sa nangyari.

Humingi rin ng paumanhin ang ilang vendors at sinabing hindi ganoon ang lahat ng mga residente sa Baguio.

Hindi naman naapektohan si Jillian sa nangyari at ipinagpatuloy ang kanyang mga nakalinyang aktibidad sa Baguio.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …