Sunday , December 22 2024

Saan abot ang P500 mo?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA PANAHON ngayon, saan nga ba abot ang P500? Marahil sa mga kabataan, abot ito hanggang Starbucks, Gong Cha, Macao, at iba pa.

E sa isang magulang kaya, hanggang saan kaya abot ang P500? Well, sa totoo lang kulang na kulang ito para sa maghapong kainan – magkasya man para sa pamilya pero masasabing tipid na tipid na ito.

Sa mga lolo’t lola natin kaya o senior citizens, hanggang saan kaya abot ang P500 pensiyon na bigay ng gobyerno sa kanila? Tandaan hindi po P500 kada araw at sa halip ay P500 kaya buwan.

Ang tanong hanggang saan kaya abot ang P500 ng mga senior citizen? Magkakasya ba ito para sa kanilang maintenance na gamot? Obvious na hindi, lalo sa mga umaasa lang dito.

Kung baga, what P500 now a days. Ang mga kabataan nga kapag binigyan mo ng P500 ngayon, magrereklamo na. Masyado raw napakaliit nito para sa kanilang maghapon lakwatsa…so, ibig sabihin ay mas lalong magkukulang ang P500 sa mga senior citizen natin. Napakamahal kaya ng mga gamot ngayon.

Pero huwag mag-alala mga mahal kong lolo’t lolang senior citizens dahil sa mga susunod na araw ay maaaring madadagdagan na ang pensiyon ninyo na P500. Maaaring magiging triple o higit pa.

Malaki ang posibilidad na madadagdagan ito sa tulong ni dating PNP Chief, Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar na ngayon ay tumatakbo sa pagkasenador —  “#23” sa balota.

Dahil nakita ni Eleazar na talagang hindi sapat ang P500 buwanang pensiyon ng mga senior citizen mula sa pamahalaan. Plano ni Eleazar na dagdagan ang pensiyon ng maralitang senior citizens. Aniya, kapag pinalad na manalo sa darating na halalan, isa sa bibigyang prayoridad ni Eleazar ang karagdagang pensiyon para sa mga lolo’t lola natin.

Nais ni Eleazar na dagdagan ang kasalukuyang pensiyon dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin kabilang na ang mga gamot maging ng serbisyo. Actually, consultation pa lang ngayon sa private doctors ay P500 na…so, paano na ang para sa gamot pagkatapos ng konsultasyon? Nganga sina lolo’t lola.

“Kung ako ay papalaring makaupo sa Senado, isa sa magiging prayoridad ko ang kapakanan ng ating senior citizens at kasama na nga rito ang pagtaas ng kanilang pension kada buwan. Marami sa ating mga lolo at lola ay dito na lamang umaasa sa kanilang pension para makabili ng kanilang mga gamot. Tumataas ang bilihin pero hindi ang kanilang pension kaya’t ito ang ating isusulong sa Senado,” ani Eleazar.

“Malinaw na hindi sapat ang pension ng mga senior citizen ngayon kung ikokompara sa laki rin ng gastos nila lalo sa aspektong medikal. Malaking tulong sa kanila, maging sa kanilang pamilya, kung madaragdagan ang kanilang pensiyon kada buwan,” pahayag ni Eleazar.

Heto pa, maliban sa balak na itaas ang pensiyon, plano rin ni Eleazar na pagbutihin ang health services sa mga barangay, para rin sa mga senior citizen.

“Dapat ilapit sa ating mga lolo at lola ang mga serbisyong medikal upang hindi na sila bumiyahe pa sa malalayong ospital para magpatingin sa doktor o magpagamot. Kailangan ng mas maayos na access para sa kanilang pangangailangang medikal upang hindi na sila mahirapan pa,” dagdag ni Eleazar.

‘Ika pa ng retiradong heneral, bukas siya sa pagbibigay ng mas maraming trabaho sa mga nakatatanda kung nais pa nilang magtrabaho.

“Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa trabaho dahil lamang sa edad. Kung kaya pa naman nila, hahayaan natin silang tahakin ang karerang gusto nila,” ani Eleazar.

Maganda ang mga plano ni Eleazar para sa mga senior natin, kaya lang matutupad lang ang lahat kung mananalo si Eleazar sa nalalapit na halalan. Kaya mga lolo’t lola natin, maging ang kanilang anak, ano ang dapat gawin para magkaroon ng karagdagang pensiyon ang mga senior — alalahanin po ninyo, darating din tayo sa edad na iyan…so, ibig sabihin, ang plano ni Eleazar ay hindi lamang para sa mga kaalukuyang senior kung hindi para sa ating lahat.

So, matutupad lang ang lahat kapag manalo si Eleazar. So, ano ang dapat natin gawin? Dapat na paupuin sa Senado si Eleazar. Kaya alam n’yo na ang dapat na gawin sa darating na 9 Mayo 2020.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …