PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
NAKATAKDA nang umalis si Kris Aquino papunta sa abroad at mananatili siya roon nang matagal para sa kanyang medical treatments at procedures kaugnay ng kanyang autoimmune disease.
Ito ang inihayag ni Kris sa kanyang komento sa isa sa birthday posts ng kanyang kaibigang si Regine Velasquez-Alcasid. Kasama rin sa kanyang mensahe ang pagsasabi kay Regine na may ipinadala siyang thank you gift para sa kanila ni Ogie Alasid. Ipinaliwanag din ni Kris ang late na pagbati sa kaarawan ni Songbird.
Ayon kay Kris, “May hinanda akong THANK YOU from our family for you & pareng Ogie — honestly I need to ask my sisters if it ever reached you — because Alvin (your #1 fan) took care of everything — he’s on leave now because his mom is in the hospital. Mare sorry if my greeting is late — we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming. Thank you dumalaw si Jas & Darla and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako.”
Nagpaabot naman ng get well soon messages at prayers para kay Kris ang fans at followers ni Regine.