Sunday , December 22 2024
ping lacson

Kampanya ni Ping inayudahan ng dating kasamahan sa PNP, PMA

LANTARANG nagpakita ng suporta sa kandidatura ni independent presidential bet Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang mga nakasama sa Philippine Military Academy (PMA) at mga nakatrabaho sa Philippine National Police (PNP) nang bisitahin ang lalawigan ng Tarlac, nitong Lunes, 25 Abril, para ilatag ang kanyang mga plataporma.

Kasama ni Lacson ang kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at senatorial candidate na si dating Agriculture Secretary Manny Piñol na humarap sa mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor sa isang pulong bayan na ginanap sa Tarlac State University sa Lungsod ng Tarlac.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Lacson ang kanyang mga mistah mula sa PMA at maging ang mga nakatrabaho niya noon sa PNP, gaya ni dating PNP Chief Nicanor Bartolome na naging tagapagsalita niya noong siya ang pinuno ng ahensiya.

Bukod kay Bartolome, kabilang din sa mga dumalo sina retired Major General Rey Acop, Ray Rivera, at Dong Tabamo. Hindi rin nakalimutang banggitin ni Lacson ang mga mistah na si dating koronel at ngayo’y abogado na si Oscar Martinez, naging valedictorian nila sa PMA Class of 1971, pati si Ginoong Jun Fabros na naglingkod sa Philippine Navy.

Sa pagpapatuloy ng kanyang pagsasalita, binigyan-diin ni Lacson ang naging karanasan ni Bartolome sa paglilingkod sa bansa bilang isang alagad ng batas. Ayon sa kanya, aktibo rin si Bartolome sa pagsusulong ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo ngayong Halalan 2022.

“Nagpapalit-palit siya, pupunta ng Cotabato, umuuwi ng Tarlac at ipinagpapatuloy niya tulad ng pagpapatuloy niya sa aking mga advocacy noong ako ay Chief PNP na disiplinahin ang hanay ng (kapulisan), alisin ang kotong, at ibalik ang tiwala ng ating mga mamamayan sa PNP,” banggit ni Lacson kay Bartolome.

Inilatag ng tambalang Lacson-Sotto ang kanilang mga nagawa para sa bansa, lalo na noong kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19 pandemic, at maging ang ibang hakbang na nakatulong para matugunan ang mga kaakibat na naging suliraning pambansa bunsod ng naturang pangyayari.

Hinimok ni Lacson na maging mapanuri ang publiko sa pagpili ng kanilang mga iboboto, dalawang linggo bago ang araw ng eleksiyon na gaganapin sa 9 Mayo 2022. Aniya, manaig sana sa kanilang mga kaisipan ang mga kandidatong matagal nang naglilingkod nang tapat sa bayan.

Ibinigay niyang halimbawa ang kanyang sarili na matagal nang tumutulong sa paglutas ng mga problema ng bansa, mula pa noong siya ay manungkulan bilang hepe ng PNP, hanggang sa 18-taon niyang paninilbihan bilang senador.

               Inilarawan din niya ang kanyang tandem na si Sotto bilang isang ‘consensus builder,’ lalo nang pamunuan ang buong Senado. Muli niya ring pinapurihan si Piñol na tanging kalihim na sumailalim sa masinsinang ‘lifestyle check’ upang patunayang hindi siya umabuso sa posisyon. 

 “Pakatandaan po natin, ‘pag tayo’y pumasok sa presinto at tayo’y nag-isip, namili ng ating iboboto, wala na kayong pipiliin pa—‘yung pinakakalipikado, ‘yung pinaka-may kakayahan, ‘yung mga (may) pinakamahabang karanasan sa serbisyo publiko at ‘yung matapat,” paalala ni Lacson sa mga botante.

Mensahe ni Lacson sa mga Tarlaqueño, iwasang bumoto ng mga kandidatong magnanakaw sa pondo ng bayan, manloloko sa tao, at kulang sa tamang pag-iisip upang hindi na maging mas miserable pa ang kalagayan ng bansa sa susunod na anim na taon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …