Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayon sa retiradong military general
‘KOALISYON’ NI VP LENI SA CPP-NPA, NAKATATAWA

042622 Hataw Frontpage

(ni ROSE NOVENARIO)

NAKATATAWA ang pag-uugnay kay Vice President at presidential bet Leni Robredo sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) dahil ginagawa ito para madiskaril ang abot-kamay nang tagumpay niya sa eleksiyon, ayon sa isang military general.

“It’s a very funny thing,” ayon kay retired Armed Forces of the Philippines (AFP) general Domingo Tutaan, Jr., sa programang Sa Totoo Lang sa One Ph kagabi hinggil sa red-tagging kay Robredo at umano’y koneksiyon niya kay CPP founding chairman Jose Ma. Sison. 

Giit ni Tutaan, isa sa mga retiradong opisyal ng military na tagasuporta ni VP Leni,  dapat paniwalaan ang komitment ni VP Leni na wala siyang balak magkaroon ng koalisyon sa alinmang grupong gumagamit ng karahasan para isulong ang paniniwala.

“Nagsabi mismo si VP Leni na walang katotohanan itong sinasabi nilang may kaugnayan siya sa kaliwa o sa CPP-NPA-NDF, nagsabi na rin siya na wala siyang balak magkaroon ng koalisyon sa anomang grupo na “that will use arms or violence to propagate each cause” so kung titingnan natin, bakit ‘di natin siya paniwalaan? Sinasabi na mismo niya ‘yan na wala talagang ganoong kaugnayan or planong magkaroon ng coalition government,” anang retired general.

Malinaw aniya na ginagawa ang red-tagging kay VP Leni dahil kitang-kita ang malawak na suporta sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ng bansa.

“I just don’t know why people are hyping it or repeating it so many times but looking at it, makikita natin na ginagawa nila ‘yan kasi nakikita nilang massive ang support kay VP Leni, lumalaki e,” aniya.

“Pinupukol nila si VP Leni kasi nakikita nila sigurong out pouring na ‘yung support para sa kaniya. Talagang naandon na,” dagdag niya.

Kabilang aniya sa nais tutukan ni VP Leni kapag naluklok sa Malacañang ang isyu kaugnay ng seguridad ay ang insurgency, West Philippine Sea (WPS), operasyon laban sa kriminalidad, illegal drugs, at modernisasyon ng AFP at Philippine National Police (PNP).

Tutugunan aniya ni VP Leni ang ugat ng pagsusulong ng armadong pakikibaka ng NPA.

“Ano ba ‘yung dissent? What motivates or what makes a person or a group of persons na nagsa-suffer ng ganitong mga conditions in life na nagiging NPA sila. Tugunan natin itong mga pangangailangan nila para ‘di na sila sumali sa armadong grupo which is I think is the whole or nation approach na puwede talagang would bring the end to insurgency,” sabi ni Tutaan.

Sa isyu ng WPS, igigiit ni VP Leni ang arbitral ruling na nagtatakda na ito’y pagmamay-ari ng Filipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …