IPINAHAYAG ng hunk Vivamax actor na si Marco Gomez na naniniwala siya sa talent ng kaibigang si Sean de Guzman at deserved nito ang mga nakukuhang break sa showbiz.
Magkasama sina Sean at Marco sa pelikulang Fall Guy ni Direk Joel Lamangan at isinulat ni Troy Espiritu. Ito’y prodyus nina Ms. Len Carillo ng 3:16 Media Network at John Bryan Diamante ng Mentorque Productions.
Most challenging movie raw ito ni Sean at pang-Best Actor ang makikita sa kanya sa pelikulang Fall Guy, ano ang reaction niya rito?
Pahayag ni Marco, “I believe in him, since day one talaga… and talagang deserve ni Sean na mapunta sa kanya yung project na Fall Guy na sinasabing magkaka-award siya roon, with Direk Joel Lamangan as director.
“Sobrang deserve na deserve ito ni Sean and very proud ako sa kanya, kasi alam namin sa isa’t isa…Alam ko lahat ng baho niya, alam niya lahat ng baho ko and we’ve been thru ups and down and… Para sa akin, hindi ako naniniwala sa suwerte, naniwala ako sa hard work at saka dedication. So, iyon ang ginawa ni Sean at talagang magtatagal siya sa showbiz, kasi, ginawa niya ito para sa kanyang passion.”
Nabanggit ni Marco ang role niya rito.
Aniya, “Ang role ko po rito ay isang bad boy, ako si Miguel, ako ang pinsan ni Fonzy which is si Vance Larena. Bale, galing ako sa LA, kaya parang gangsta-gangsta ang peg ko roon. At saka may anger problem ako roon, may anger managermnet, kaya tignan na lang po natin ang twist ng role ko sa movie.”
Dito ba sa Fall Guy ay magpapa-sexy din siya? “Well, basta ako, kung ano ang nakalagay sa script, gagawin ko po. Malaki kasi ang trust ko kay Diek Joel, so, kung ano ang gusto niyang gawin sa akin ay go lang, ganoon kalaki po ang tiwala ko kay Direk Joel,” nakangiting sambit pa ni Marco.
Kasama rin sa casts ng Fall Guy sina Glydel Mercado, Shamaine Buencamino, Cloe Barreto, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Tina Paner, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Itan Magnaye, at iba pa.