Friday , November 15 2024
AGLO Association of Genuine Labor Organizations
(Kuha ni Teddy Brul)

AGLO grupo ng Obrero sumuporta kay VP Leni

BUMUBUHOS ang suporta para kay Bise Presidente Leni Robredo nang ideklara ng isang malaking pederasyon ng paggawa ang pangako nilang suportahan ang nag-iisang babaeng kandidato  sa pagka-Pangulo para sa halalan sa Mayo.

Sa isang manifesto, isinaad ng Association of Genuine Labor Organizations (AGLO), isa sa pinakamalaking organisasyon ng manggagawa sa bansa na mayroong solidong presensiya sa Metro Manila, Southern Tagalog, Central Luzon, at Cebu, na “matatag nitong sinusuportahan ang kandidatura sa Pagkapangulo ni VP Robredo para sa kanyang pangako at sinserong tungkulin na iangat ang kalagayan ng mayoryang mahihirap.”

Sinabi ni Ronald Austria, AGLO National Council chairman, nagpasya ang kanyang grupo na ilipat ang suporta kay Robredo matapos magsagawa ng komprehensibong pagtatasa sa kanilang plataporma ng gobyerno ang lahat ng kandidato.

Ang agenda ng Bise Presidente na “isulong ang katarungan at katarungang panlipunan, at igalang ang dignidad ng paggawa, pagkilala at pagprotekta sa mga karapatang pantao at unyon ng manggagawa” ay nagtulak sa amin na maniwala na siya ay karapat-dapat maging aming Pangulo.”

               “Mahigpit na sinusuportahan ng AGLO ang agenda ng patakaran sa ekonomiya at paggawa ni Robredo,” saad ni Austria.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …