Tuesday , December 24 2024
Leni Robredo Chel Diokno

Diokno: Pandemya aayusin ni Robredo

KOMPIYANSA si senatorial aspirant at human rights lawyer Chel Diokno na maaayos ni Vice President Leni Robredo ang mga problemang dulot ng CoVid-19 kapag siya ang nanalong pangulo sa darating na halalan sa Mayo.

Idinagdag ni Diokno, malaki ang maitutulong ng panukala niyang Pandemic Management Council (PMC) para maresolba ng Bise Presidente ang mga negatibong epekto ng pandemya.

“Napakalaking tulong kay Vice President Robredo ang panukala nating PMC para maresolba ang mga problemg idinulot ng CoVid-19 dahil nakabase sa siyensiya at teknolohiya ang lahat ng kilos at desisyon nito,” wika ni Diokno.

Isusulong ni Diokno ang paglikha ng PMC bilang kapalit ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kapag siya’y nahalal sa Senado.

Maliban sa pagtugon sa CoVid-19, ang panukalang PMC ang magpaplano at tututok sa iba pang outbreak ng iba pang malalang sakit sa bansa.

Kombinsido rin ang human rights lawyer, ang isyu gaya ng pagdadalawang-isip ng taongbayan na magpabakuna ay mareresolba sa tulong ng PMC.

Dahil sa takot ng maraming Filipino na magpabakuna, nagbabala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na posibleng masayang ang 27 milyong dose ng CoVid-19 vaccines na nagkakahalaga ng P40 bilyon kapag hindi nagpa-booster shot ang mga Filipino.

Para matugunan ito, sinabi ni Diokno na dapat maglunsad ang pamahalaan ng malawakang information campaign ukol sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna kontra CoVid-19 para makombinsi ang maraming Filipino na magpabakuna.

“There is an urgent need for the government to conduct a massive information campaign to go along with its vaccination drive so as to allay the public’s worry about the safety of the vaccines,” ani Diokno.

“Kung hindi ka magsasagawa ng malawakang information drive, mananatiling nagdadalawang-isip ang ating mga kababayan na magpaturok laban sa CoVid-19,” dagdag niya.

Bago ito, iginiit ni Robredo ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga tao ukol sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna. Nais din niyang magbigay ang gobyerno ng insentibo para makumbinsi ang publiko na magpabakuna.

Nangangamba si Diokno, baka mauwi sa wala ang P40 bilyong halaga ng bakuna na binili gamit ang pondo ng taongbayan at utang ng gobyerno.

“Nakapanghihinayang kung mapupunta lang sa wala ang bilyon-bilyong pondo na ang iba ay inutang pa ng gobyerno kapag nag-expire ang mga bakuna,” ani Diokno.

Kapag nanalong Senador, isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang inilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.

Nais din niyang magtatag ng isang independent commission na mag-iimbestiga sa mga pag-abuso na ginawa ng mga awtoridad, para maiwasan ang cover-ups at matiyak na maparurusahan ang mga alagad ng batas kapag lumabag sila sa batas.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …