Thursday , December 26 2024
Sara Duterte

Mayor Sara nag-alala
KAKULANGAN SA SISTEMANG PANGKALUSUGAN IKINABAHALA

IKINALUNGKOT ni Davao Mayor Inday Sara Duterte ang kakulangan sa sistema ng pambansang pangkalusugan.

Ayon kay Inday, masyadong mabagal ang pagpapatupad ng Universal Health Care Law habang naghihirap ang healthcare workers.

Sa isang “meet and greet” sa health care workers kahapon sa Kapitolyo ng Batangas, sinabi ni Inday Sara, kailangan ipagpasalamat ng local government units (LGUs) sa healthcare workers ang kasalukuyang kalagayan ng sistemang pangkalusugan.

“And when it comes to issues and challenges of our health care system, ang laki rin ng dapat gawin pa ng government. Unang-una ang Universal Health Care Act. It is already a law but ang bagal ng implementation no’ng batas,” ayon kay Inday Sara.

“Ang daming reforms, supposedly dapat andoon na but hindi pa, it’s either mabagal or hindi pa nasisimulan,” aniya.

Paliwanag ni Inday Sara, tumatakbo sa pagka-bise presidente, pati sa Davao City, kung saan siya ay mayor, hirap naipatupad ang UHC.

“In our city, the local government unit of Davao City, hirap kami how to operationalize the UHC and hindi namin alam kung saan kami magsisimula. We are trying our best na ma-implement ‘yung Universal Health Care Act,” pahayag ni Inday.

Ani Inday, pers lab niya ang maging doktor at ikinalungkot na hindi siya kasama ng medical frontliners noong kasagsagan ng pandemyang CoVid-19.

Aniya, napakaganda ng batas and it is a very big challenge for the local government units, paano ibaba ‘yung mga puwedeng gawin at puwedeng makatulong sa ating mga kababayan na nasa ating Universal Health Care Act.

“So in Davao City, sinisimulan na namin ang discussions with the Department of Health (DOH) and the local government unit and our local government hospitals. And hopefully in the next two to three years, we will be able to see the operationalization ng Universal Health Care Act in Davao City and of course for the rest of the LGUs in our country,” aniya.

Ikinungkot ni Inday Sara ang sahod sa health care sector at mga benepisyo dito.

“Number one ‘yung compensation, pangalawa, the benefits and the other pay para sa ating healthcare workers should be competitive sa suweldo roon sa abroad or sa overseas so that we, our health care workers decide to stay with their families and for our country, instead of working abroad, away from their families because of the higher pay and benefits that they get from other offers overseas,” aniya.

Kaugnay nito, sinabi ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas, buo ang suporta niya sa UniTeam nina Inday Sara at dating Senador Ferdinand Marcos, Jr.

“Halos sa buong Filipinas ay nauunawaan, ang BBM-Sara team, ang tunay na makapaglilingkod sa ating mga kababayan at sila ang mag-ayos talaga ng ating pamahalaan na matutukan ang mga pangangailangan ngayon,” ani Mandanas sa panayam sa eporters.

“Sila ang nakikita ko na mayrong kakayahan at pinakaahalaga ay mayroong pananaw sa panahong ito na kaalangan talaga tayong magsama-sama, magtulungan, hindi ‘yung katigasan, ano, at laging hilahan pababa at kailangan itaas natin ang dangal at talagang kilalanin ang kakayahan ng mga Filipino, at dito kailangan natin ang mga namumuno na yaon ang pananaw ha, sama-sama tulong tulong,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …