MATABIL
ni John Fontanilla
NAG-HOLY WEEK sina John nite, Barangay LSFM DJ Janna Chu Chu, at singer na si Sephy Francisco sa napakagandang Rancho Bravo Natural Farming sa Teresa, Rizal nina Pete and Cecille Bravo.
Kasama nilang nagbakasyon siang ilang miyembro ng Ka-fam na sina Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, Ninang Erlinda Sanchez, Ninong Benjamin Rosario Montenegro with Xiantel, Tita Marita and Tito Dan, Tita Theng Corbe, Christian Corbe, Arwyn Rodrigo at ang buong pamilya nina Mr Pete and Mrs Cecille na sina Jeru, Maricris, Miguel, Mathew,at Mamita Hazel Tria.
Nag-station of the cross paakyat sa Grotto ang buong grupo noong umaga at sabay-sabay na nag-rosary.
Nag-enjoy ang grupo sa napakalaking jacuzzi na halos kasya ang 30 katao at nilibot din nila ang buong farm na mayroong dancing ostrich, tupa, swan, turkey, sawa, rabbit, kabayo, baboy, manok, kambing at iba’t ibang klase ng isda (hito, tilapia atbp.).
Na-enjoy din ng grupo ang masasarap na pagkain mula sa gulay at prutas na galing mismo mga nakatanim sa farm.
Nangako ang buong grupo na sa susunood na taon ay doon ulit nila magma-Mahal na Araw at magbabakasyon.