MANANATILI si David Benavidez sa timbang na super middleweight hanggang sa masungkit niya ang isa pang pinapangarap na major title bukod sa nasa kanyang posesyon.
Nakatakda niyang harapin si David Lemieux para sa interim WBC super middleweight title sa May 21 sa Showtime mula sa Gila River Area sa Glendale, Arizona. Misyon ng walang talong kampeon (25-0, 22KOs) ang ikatlong title.
“I believe [a win] puts me as mandatory for Canelo Alvarez,” pahayag ni Benavidez kay Showtime’s Brian Custer nang manood siya sa labang Errol Spence-Yordenis Ugas Showtime Pay-Per-View event from AT&T Stadium in Arlington, Texas. “There’s no doubt about it. I’ve already won a title eliminator with the WBC, now this for the WBC interim title. If he doesn’t want to fight me next, he should just give up the belt and let me fight for it.”
Si Canelo (57-1-2, 39 KOs) ay ang kasalukuyang undisputed champion at ang kanyang dalawang susunod na laban ay nakakasa na kaya maghihintay pa si Benavidez ng kanyang tsansa mapahanay sa makakalaban ng kampeon.
Ang Mexican superstar ay makakaharap si WBA light heavyweight titlist Dmitry Bivol (19-0, 11KOs) sa May 7 sa DAZN Pay-Per-View mula sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. At kapag nanalo siya sa nasabing laban ay bababa siya sa super middleweight para sa trilogy nila ni WBA/IBF middleweight champion Gennadiy Golovkin (42-1-1, 37KOs) na umakyat naman ng timbang para sa kanilang paghaharap sa Setyemre 17 PPV main event.
Pananaw ni Alvarez na hindi pa rin makakasama si Benavidez sa listahan ng makakaharap niya sa mga susunod niyang laban dahil masamang reputasyon nito na dalawang beses natanggalan ng titulo dahil sa positive drug test noong 2018 at bagsak sa reglamentong timbang noong Agosto 2020 title defense.
Ganunpaman ang nangyari kay Benavidez, nanatili siya bilang top-rated contender na giniba ang limang huling kalaban sa ring.