PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
INIANGAT muli ni Direk Brillante Mendoza ang galing ng Pinoy filmmakers sa international film festival matapos siyang parangalan ng Lifetime Achievement Award sa 19th Asian Film Festival na ginanap sa Rome, Italy.
Ang award ay ipinagkaloob kay Direk Brillante ng artistic director na si Antonio Termenini, na pinamumunuan din ang Roma Lazio Film Commission.
Nakilala internationally si Direk Brillante sa kanyang award winning films gaya ng Kinatay, Taklub, at Lola. Nanalo siyang Best Director sa 2009 Cannes Film Festival para sa Kinatay.
Ang pelikula niyang Resbak ay isa sa featured films sa 19th Asian Film Festival.