Friday , November 15 2024

VP Leni pinaatras
3 ‘MANCHURIAN’ PREXY BETS SUMEMPLANG

041822 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

‘SUMEMPLANG’ ang tatlong presidential bets na nanawagang umatras sa 2022 presidential race si Vice President Leni Robredo ngunit kabaliktaran ang naging resulta sa publiko.

Umani ng batikos sa netizens at ilang personalidad ang joint press conference sa Manila Peninsula Hotel ng tatlong presidential hopefuls na sina Sen. Panfilo Lacson, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales na nanawagan kay VP Leni na huwag nang ituloy ang kanyang presidential bid.

Sa ginawa ng tatlong presidential wannabes, lumutang na kaalyado nila ang anak ng diktador at presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr., ayon sa mga personalidad sa IM Pilipinas, dating supporters ni Domagoso na lumipat kay VP Leni.

“You have become the greatest allies of Marcos in this election,” anila.

“Ironically, it was Leni’s presence and dominating aura which were strongly felt in that press conference,” sabi ni Far Easter University College of Law dean Mel Sta. Maria sa kanyang paskil sa Facebook.

‘Tinalupan’ ni retired National Bureau of Investigation (NBI) official Ric Diaz ang tatlong nagpapaatras kay VP Leni.

“Anong nangyayari sa tatlong itlog na ito at nagladlad na yata. Alam naman ng bayan na Isko ay maka-BBM, si Pinky ay maka-Duterte at si Berto ay tao ni Gloria Arroyo! Kayong tatlong itlog ang ‘Manchurian’ candidates kaya dapat kayo ang mag-withdraw at hindi si VP Leni na tumatakbo para sa sambayanang Filipino!”

Para sa talent manager, talk show host at comedian na si Ogie Diaz, napatunayan sa press conference ng tatlo na talagang malakas ang kandidatura ni VP Leni.

“Dito mo talaga mararamdamang malakas si VP Leni. Pinagtutulungan na siya ng mga ‘fans.’ #2 lang sa survey ha.”

Tinuya ni dating Kabataan partylist Rep. Terry Ridon ang press conference at tinawag itong paglulunsad ng team talunan.

“‘Di n’yo naman sinabi na launching pala ng team talunan.”

Tinawag ni Ivy Lisa F. Mendoza na pag-aaksaya sa oras ng media ang pag-iingay ng tatlong katunggali ni VP Leni.

“I hope media who covered that no-story press conference will get their Sunday/holiday differential pay. Really such a waste of time listening to men whining scared of a woman.”

Sarkastikong paskil sa Facebook ang tugon ni presidential candidate at labor leader Leody de Guzman, “Masarap ang halohalo dito sa Cotabato pero ‘di singmahal no’ng halohalo sa Manila Pen. Ano bang kaguluhan doon ngayon?”

“Weak men fear strong women,” sabi ng isang netizen.

Habang abala sa pambabatikos sa kanya ang tatlong kalaban sa presidential race ay kumain kasama ng Sumilao farmers si VP Leni sa Naga City, Camarines Sur.

###

LACSON-SOTTO
‘DI SUMUPORTA
SA PANAWAGANG
ATRAS VP LENI

HINDI suportado ng tambalang Panfilo “Ping” Lacson for president at Vicente “Tito” Sotto III for vice president, ang pagpaatras kay Vice President Leni Robredo sa presidential race.

Ayon kay Lacson, nagkaisa sila ni presidential bet Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tutulan ang anomang ‘fake news’ at misinformation laban sa kanila at ipaalam sa taon bayan na walang atrasan at tuloy ang kanilang laban.

Ayon kay Lacson at Sotto, hindi ito ang gusto nila.

Bagkus, ang nais ng tambalang Lacson-Sotto, tulad nila ay tumuloy din sa laban si Robredo upang malaman kung sino talaga sa kanila ang karapat-dapat.

Niniwala ang tamblanag Lacson-Sotto, hindi sila naniniwala sa survey dahil taliwas ito sa mismong nararanasan nila kapag sila ay sinasalubong ng taongbayan. (NIÑO ACLAN)

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …