Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Fernando Our Vote, Our Future

Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 12 Abril, upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at maseguro ang maayos, mapayapa, patas, at inklusibong halalan sa darating na pambansa at lokal na halalan sa darating na 9 Mayo.

Binansagang “Our Vote, Our Future,” dinaluhan ang paglulunsad ng mga kinatawan mula sa mga ahensiya ng gobyerno, civil society groups, religious groups, academe, mga organisasyong pangkabataan, at mga kumakandidato sa iba’t ibang posisyon na sumusuporta sa kampanyang anti-vote buying at anti-vote selling.

Ani Fernando, ang nag-uumapaw na suportang ipinakikita ng iba’t ibang mga sektor at mga kandidato sa anti-vote buying campaign ay isang indikasyon ng higit na partisipasyon ng mga botante sa pagtitiyak na sa darating na halalan ay masasalamin ang tunay na kalooban ng mga botante.

“I call on the people of Bulacan to be vigilant on the activities of the candidates who are aspiring for different elected positions in the upcoming elections. Vote buying undermines the democratic process and puts our future in great danger,” pagdidiin ni Fernando.

Pinaalalahanan din niya ang mga Bulakenyo na ang lalawigan ng Bulacan, bilang duyan ng Unang Republika ng Filipinas, ay dapat pahalagahan ang demokrasya tulad ng pakikipaglaban ng ating mga ninuno para sa ating kalayaan; ang pagkakaroon ng pribilehiyo at kalayaang pumili kung sino ang ating ihahalal para mamuno tungo sa pag-unlad.

Ang paglulunsad ay itinakda kontra sa mga napaunang ulat ng maagang pagbili ng boto at pagbebenta ng boto na nagdudulot ng napakalaking banta at hindi dapat hinihikayat sa kahit naong pagkakataon lalo’t nagpapakita ito ng pagwawalang-bahala sa demokratikong kaugalian at higit sa lahat, lubos itong nakaaapekto sa integridad ng lalawigan.

Ang multi-sectoral anti-vote buying campaign ay inisyatibo ng Punong Lalawigan kasama ang mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan, multi-sectoral groups at mga kumakandidato sa iba’t ibang posisyon.

Bahagi ng kampanya ang pagkakaroon ng agresibong kamalayan ng mga botante para sa mahahalagang aspekto ng eleksiyon at mga pagkilos na ipinagbabawal upang sila ay magabayan sa demokratikong proseso.

Panawagan ng gobernador sa publiko, ipagbigay alam sa Comelec o sa Philippine National Police (PNP), mga militar at iba pang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, ang mga aktibidad ng mga politiko at kanilang mga tagasuporta na nagpapakita ng pamimili ng boto upang masampahan ng kaukulang parusa.

Batay sa Omnibus Election Code, ang isang indibidwal na napatunayang nagkasala sa pamimili ng boto ay maaaring makulong mula isa hanggang anim na taon bukod sa panghabambuhay na diskalipikasyong humawak ng pampublikong tungkulin na tiyak na tatapos sa kanilang karera sa politika.

Umaasa si Fernando, sa sandaling maging matagumpay ang multi-sectoral anti-vote buying campaign, ay maging halimbawa ito sa ibang lugar sa bansa at magsilbing ambag sa walang humpay at walang kompromisong pagsisikap na puksain ang talamak na pagbili ng boto sa panahon ng halalan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …