Tuesday , January 14 2025
Dennis Rodman Philander Rodman

Philander Rodman napatawad ni  Dennis Rodman bago ito namayapa

“My dad is now wearing my jersey and feeling proud, where was he for 20 years,”  sintemyento ni   Dennis Rodman sa kanyang ama na inabandona siya sa kanyang kabataan.

Si Dennis Rodman ay naging isa sa pinakamatinding manlalaro sa NBA sa kanyang kasibulan.   Maaalala siya sa kanyang mahalagang papel na ginampanan sa Chicago Bulls second three-peat,  at tinaguriang matibay na depensa ng team para itayo ang dynasty ng prangkisa  noong 90s.

Siya ang tinaguirang 3rd piece ng Bulls ng kanilang ‘big three’ na nakasentro kay Michael Jordan at Scottie Pippen.

Naging pangunahin siyang rebounder ng Chicago, at nanguna sa liga ng ilang beses sa kategorya kahit pa nga siya’y isang forward.  Maganda man ang tinatakbo ng kanyang career, nananatiling walang ama na nakasubaybay  sa kanya na tanggap niya na realidad.

Ang ama ni Dennis na si Philander Rodman ay bigla na lang lumitaw sa eksena na sa tuwing may laro ang batang Rodman ay naroon ito at nanonood na suot ang kanyang jersey.

Sa panayam kay Dennis, kategorikal nitong sinabi na hindi niya matatanggap ang ama na iniwan siya nang siya ay tatlong taon pa lamang.  

Ganunpaman, patuloy ang pagsuporta ni Philander sa kanyang anak  na parating suot ang Bulls jersey at ‘proud’ ito sa kanyang anak.

Dumating ang pagkakataon na nagkaroon ng rekonsilyasyon ang mag-ama nang mag-travel si Dennis sa Manila noong 2012 para sa isang exhibition game.  Sa pre-game press conference ay inimbitahan niya  ang ama na panoorin nito ang laro.  Naging emosyunal si Philander sa muli nilang pagkikitang mag-ama.

“I’ve been trying to meet him for years,” sami ni Philander. “And then last night, boom, I met him. I was really, really happy and very surprised. He accepted me as his father. That’s the first time he ever called me his father.”

Hindi nagkaroon ng pagpapatuloy ang kanilang samahan nang mamatay si Philander noong July 14th,  2020 sa Pampanga sa  edad na 79 dahil sa prostate cancer.  Ganunpaman, ang dalawa ay nagkaroon ng daan para pasiglahin ang kanilang relasyon at matanggap ni Dennis si Philander bilang kanyang ama.

About hataw tabloid

Check Also

World Slasher Cup 1st Edition papagaspas na

NAGSIMULA ang bagong taon na puno ng excitement dahil ang World Slasher Cup –madalas ituring …

Philippine National Volleyball Federation PNVF Japan Volleyball Association JVA

Ugnayang PNVF, JVA nangakong palalakasin

NANGAKO ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Japan Volleyball Association (JVA) na patuloy na …

BingoPlus International Series Philippines FEAT

The International Series adds Philippines with BingoPlus to its growing global footprint as part of exciting 2025 schedule

London, United Kingdom, 08 January 2025: The International Series breaks new ground in 2025 with …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …