Monday , May 12 2025
Maharlika Chess Tour 2022 Feat

Maharlika Chess Tour Online Chess lalarga  sa Abril 24

Maharlika Chess Tour 2022

NAKATAKDANG umarangkada ang 1st  Maharlika Chess Tour 2022 Online Blitz Tournament sa Abril 24 via lichess platform.

“The individual online tournament is open to all Filipino players with free registration, first come, first served. Limited to 500 players only,” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez, isa sa apat na team owner ng Laguna Heroes, inaugural champion ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).

Ang ilan sa  mga nakatakdang lumahok sa torneyo ay mga miyembro ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina two-time Asian Junior champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., Fide Master Austin Jacob Literatus, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Woman National Master Jean Karen Enriquez, Michaella Concio, Kimuel Aaron Lorenzo, Vince Angelo Medina, Apollo Agapay, Arjie Bayangat at Richie Jocson.

Ang 1 day online three minutes blitz tournament ay inorganisa ng Laguna Chess Association sa pakikipagtulungan ng St. Peregrine Dental Clinic, CVJR Builders, Pro Source Construction Supply at ng We Evolve Manila na may pabuyang P5,000 sa magkakampeon.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …