Sunday , December 22 2024
Guillermo Eleazar El Shaddai Walk of Faith

Eleazar lumahok sa El Shaddai Walk of Faith

KAILANGANG makapaghalal  ng mga Filipino ng mga lider na tuwid ang pag-uugali at may takot sa Diyos dahil ang mga katangiang ito ang tiyak na gagabay sa kanila sa pagsulong ng kaunlaran kahit may mga problemang kinakaharap ang bansa, ayon kay senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Ibinigay ni Eleazar ang pahayag, matapos dumalo sa “Walk of Faith” Mass and Healing Rally ng grupong El Shaddai nitong Sabado, 9 Abril.

“Sa panahong sinusubok tayo ng pandemya, kalamidad, gera at iba pa, kailangan natin ng mga lider na matatag, may paninindigan, at may takot sa Diyos. Isang lider na ipaglalaban ang tama at itutuwid ang mga mali. Sa Senado, asahan po ninyo na ako ang magiging tapat na kaagapay ng ating mga kababayan,” aniya.

Sinamahan ni Eleazar si El Shaddai founder Mariano “Brother Mike” Velarde sa aktibidad, kung saan pinagtibay ng pinakamalaking Catholic charismatic group ang suporta sa kandidatura ng retiradong police general.

Nagtipon ang mga pinuno’t kasapi ng El Shaddai sa Philippine International Convention Center (PICC) grounds sa Pasay City dakong 4:00 pm, at doo’y pinahalagahan ni Velarde ang aktibidad.

“Malaya na tayong lumakad ayon sa ating pananampalataya. We walk by faith not by sight. We walk by faith not by feelings. Kaya huwag tayong matatakot sa mga bagay, sa lahat ng salot na darating sapagkat kasama natin ang Diyos,” aniya.

Mula roo’y nagtungo sila sa AMVEL Compound ng Parañaque City at dumating 6:30 pm, bago ipinakilala si Eleazar sa mga lider at kasapi ng El Shaddai.

“Ako po ay nagpapasalamat sa Christian-Muslim Democratic Coalition for supporting me in my candidacy. Ako ay nagpapasalamat sa suportang ibinibigay ninyo sa akin,” ani Eleazar.

“Hayaan ninyong iparating ko sa inyo kung sakali, sa awa ng Diyos, at sa inyong pagtitiwala na ako ay mahalal na manungkulan, lagi po natin itong ibabalik in the glory of God at sa serbisyo sa ating taongbayan,” aniya.

Dinalohan din ni Eleazar ang paglulunsad ng grupo ng statement of solidarity and unity para sa mapayapang halalan ngayong taon.

Sinundan ito ng misa na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Sanny de Claro, spiritual director ng El Shaddai DWXI Prayer Partners Fellowship International (PPFI).

Noong 12 Pebrero, inendoso ng El Shaddai ang pagtakbo ni Eleazar bilang senador. Pangunahing layon ni Eleazar sa pagtakbo ang mapagbuti ang peace and order sa bansa para matiyak ang seguridad ng bawat pamilya, at naayon ito sa itinuturo ng El Shaddai na pagbutihin ang lagay ng bawat pamilya upang maibalik ang moralidad sa lipunan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …