Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA7 ABS-CBN

Network wars ng ABS-CBN at GMA mawawala na nga ba?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAWAWALA na nga kaya ang network wars ngayong “nagkasundo” na ang GMA 7 at ang ABS-CBN?

Iba ang tingin namin sa deal na iyan. Ang usapan lang naman nila ay ilang pelikula ng Star Cinema, hindi ang buong catalogue ng kompanya ang ibinigay nila sa GMA. Ang mga pelikulang iyan ay nailabas na sa mga sinehan, sa video, at sa cable. Ngayon ibinigay iyan sa GMA dahil sa free tv. Wala naman kasing free tv ang ABS-CBN dahil wala nga silang franchise, at hindi naman sila babayad ng blocktime sa Zoe TV at sa TV5 para ilabas ang mga pelikulang iyan. Natural ang ilalabas nila roon ay iyong mga bago nilang program content.

Ang nakikita namin diyan, nakakuha ang GMA ng content na mababa ang presyo kaysa kung sila pa ang gagawa ng ipalalabas nila. Sa parte naman ng ABS-CBN, kaysa nakatengga ang mga pelikulang iyan, pagkakitaan na muna nila, magkaka-pera pa sila habang wala naman silang franchise.

Oras na ang ABS-CBN ay magkaroon na ng sarili nilang franchise ulit, palagay namin babalik na muli ang network war, dahil bakit mo naman bibigyan ng bala ang kalaban mo? Basta nakakuha iyan ng franchise, na inaasahan naman nila oras na manalo sa eleksiyon ang pinapaboran nilang mga kandidato, balik giyera iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …